Ang gawaing pansibiko ay tumutukoy sa mga gawaing nakatutulong sa pagpapaunlad ng pamayanan at bansa.
• Ito ay nakapokus sa mga gawain na makamit ang common good o ang ikabubuti ng nakararami.
• Sa proseso ng gawaing pansibiko, nagsasama-sama at kumikilos ang mga kasapi ng komunidad tulad ng mga sumusunod:
1. pangkaraniwang mamamayan
2. mga organisasyon
3. mga pinunong pansibiko
4. mga aktibista, mga propesyonal
5. at iba pa mula sa mga iba’t ibang larangan ng buhay.
Ano ang layunin ng gawaing pansibiko?
• Layunin nitong lutasin ang mga suliranin at mula rito ay makapagdulot ng mabubuting pagbabago sa pamayanan.
• Pinalalakas din ng mga gawaing pansibiko ang mga mamamayan upang sila ay magkaroon ng kapangyarihang maglunsad ng mga kapaki-pakinabang at pangkaunlarang proyekto.
• Ang social integration o pagkakabuklod-buklod ng mga mamamayan ay napatatatag din at nakatutulong sa pag-iwas sa paglaganap ng mga nakapipinsalang gawain sa lipunan tulad ng pagkalulong sa droga, pagdami ng naliligaw ng landas at dropouts, krimen, at kawalan ng katarungan.
• Sa pamamagitan ng mga gawaing pansibiko, ang civic virtue o ang dedikasyon ng mga mamamayang maging matulungin at hindi makasarili ay napagyayaman.
Mga halimbawa ng mga gawaing pansibiko
• BIlang mga mamamayan, tungkulin nating lumahok sa mga gawaing makatutulong sa pag-unlad ng pamayanan. Tayo ay nararapat ding kumilos nang naaayon sa pangangailangan at dikta ng ating bansa. May iba't ibang uri ng gawaing pansibiko na maaari nating lahukan bilang responsableng mga mamamayan.
Pangkalusugan
• Sa pangkalusugan naman ay tumutulong at nagsasagawa naman ng mga medical mission ang mga sumusunod tulad ng :
1.doktor
2. nars
3.dentista
4. at mga katulad nila sa mahihirap na pamayanan.
• Nakatutulong sila sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga gamot, paglilinis ng mga ngipin, pagtuturo ng wastong pagbubuntis, pagbibigay ng check-up sa mga mata, at marami pang iba. Ibinibigay nila ang mga ito nang libre.
• Pangkalikasan
• Naisasakatuparan ito sa pamamagitan ng tree-planting activities, paglilinis ng maruruming ilog, pagsagip at pagpaparami ng endangered species, at iba pa.
Pang-edukasyon
• May mga nagkukusang tumulong at makibahagi sa pagtuturo sa mga mag-aaral ng Preschool gaya ng pagbabasa ng mga kuwento. Ang mga Donate-a-Book, Fundraising Walks, at iba pang kagaya nito na naglalayong makapagpatayo ng mga gusaling pampaaralan at makapagpaaral ng mahihirap na mag-aaral ay nakatutulong din sa pag-unlad ng edukasyon.
• Pampalakasan
• Dumarami ang nagsasagawa ng Run-for-a-Cause, pag-eehersisyo nang sabay-sabay sa mga pampublikong parke, at mga katulad nito.
Mga Gawaing Pansibiko: Pampolitika
• Ang pakikilahok sa halalan ay isang paraan ng gawaing pansibiko. Sa pamamagitan nito, naririnig ang mga saloobin ng mga mamamayan ukol sa pamahalaan at lipunan. Kasama rito ang regular na pagboto, pagpaparehistro, pagpapaskil ng stickers, pagvo-volunteer, pagbibigay ng kontribusyon sa mga kandidato, at paghikayat sa iba pa na bumoto.
Answers & Comments
Answer:

Explanation:
sana makahelp :)