Lumikha ng isang acrostic poem patungkol sa araling ating natalakay. Sa pamamagitan ng salitang NASYONALISMO ay maaari kang makabuo ng isang akrostikong iikot sa natunghayang paksa. Inaasahan ding ikaw ay gagamit ng mga simbolismo o kaisipan upang higit na maging kaaya-ayang basahin ang iyong nalikhang gawain. Ang kalakip na rubrics na matatagpuan sa ibaba ay maaaring magsilbing iyong gabay sa pagsasakatuparan ng itinakdang gawain. Upang higit kang maliwanagan ay maaari mong tingnan ang inihandang halimbawa. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

example:
N – akalulugod sa damdamin, ipagmalaki ang sariling
atin
A – ngking yaman at galing, taglay ng mga Pilipinong
magigiting
S – a pagkamit ng tagumpay, kanilang dugo’t pawis ay
handang ialay
Y – umaong mga bayani, dignidad ng bansa’y pinanatili
O – ras man sa mundo’y limitado lamang, kanilang
pakikibaka’y hindi nagpahadlang
N – gayon sa ating kasalukuyang henerasyon, panahon
na upang tayo’y magsagawa ng aksyon
A – ting huwag sayangin, gandang pilit na ipinaglaban
ng mga nauna sa atin
L – ikas na kagandahan, sa kapaligiran man o maging
sa bawat mamamayan
I – layo sa anumang bahid ng kasamaang dulot ng
kasakiman
S – ikaping makiisa sa mga programa upang
patuloy na mamayagpag, ating mga plataporma
M – aaaring tangkilin ang iba, subalit wala nang mas
nakagiginhawa sa pagtangkilik ng sariling gawa
O – ras man ay humantong sa katapusan, wagas ang
pagmamahal sa bayan hanggang sa paglisan

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.