Ang pagboto ay ang unang hakbang na maaari nating gawin upang maipakita ang ating pakikilahok sa ating lipunan. Isa pang paraan na maaari nating gawin ay ang boluntaryong pagsama o pagsali sa mga samahang direktang nakikipag-ugnayan sa pamahalaan upang maiparating ang pangangailangan ng mga mamamayan.
Kahalagahan ng pakikilahok sa civil society
1. Ayon kay Larry Diamond isang mahusay na pagsasanay ang pakikilahok sa civil society para sa demokrasiya.
2. Dahil sa pakikilahok sa mga gawaing panlipunan napaghuhusay ng mamamayan ang kanilang mga kakayahan.
3. Nagiging malawak ang pang-unawa ng isang tao sa paniniwala ng iba at sa mga karapatang pantao na mahalagang katangian ng isang aktibo at mabuting mamamayan.
4. Nagiging katulong ng pamahalaan sa paggawa ng mga programa para sa ikauunlad ng bansa.
5. Ayon kay Randy David (2008), sa pamamagitan ng civil society ang mga mamamayan ang pinanggagalingan ng soberanya ng isang estado. Sa pamamagitan ng paglahok sa civil society, ang mga mithiin ng mga mamamayan ang magiging batayan ng buong estado sa pamamahala ng isang bansa.
Ano ang civil society organization?
-ito ay isang sektor ng lipunan na nasa labas ng estado o hindi kabilang sa pamahalaan kung saan nakikiisa ang mga tao upang makatulong sa kanilang mga adhikain o mga layunin. Ito ay organisasyon na binubuo ng mga mamamayan sa lipunan na hindi umaaasa sa pamahalaan.
Kinikilala ng saligang batas 1987 ang kahalagahan ng mga samahang ito sa pagtataguyod ng kaunlaran.
Ipinaliwanag ni Constantino-David (1998) ang mga bumubuo sa civil society. Ito ay binubuo ng mga kilos protesta, mga lipunang pagkilos, at mga voluntary organization.
Hindi kasama sa civil society organization ang mga negosyo, mga partido sa pulitika at mga samahan ng mga armadong grupo na may layuning pabagsakin ang pamahalaan.
Layunin ng civil society organization
1. Layunin nito na maging kabahagi sa pagpapabago ng mga polisiya at maggiit ng accountability (kapanagutan) at transparency (katapatan) mula sa estado (Siliman, 1998)
2. Makilahok ang mga mamamayan tungo sa pagpapaunlad ng bansa.
3. Makabuo ng mga samahang direktang makikipag-ugnayan sa pamahalaan.
Mga halimbawa ng Civil Society Organization
1. Research Education Institutional Development Foundation Inc.
Samahan para magbigay payo at lakas sa mga taong nais paunlarin ang ekonomiya ng bansa.
2. Citizens Crime Watch Association
Samahan para magpanatili ng kaayusan at kapayapaan sa komunidad. Ang samahan ding ito ay tumutulong sa mga alagad ng batas.
3. Catholic Media Network
Samahan para maitaguyod ang pamamahayag na may kaugnayan sa pagiging Katoliko ng mga tagapakinig.
4. Bantay Lansanga
Samahan para magpakalap ng impormasyon hinggil sa kondisyon ng mga kalsada na ipinagagawa ng pamahalaan.
5. Build Change
Samahan para magbigay tulong at suporta sa panahon ng kalamidad at sakuna.
Answers & Comments
Answer:
Paglahok sa civil society

-lindaleebarrameda