Questions


October 2022 1 1 Report
6. Ang daigdig ay nagkakaroon ng mga pagbabago o transisyon mula sa sa sinaunang panahon patungo
sa makabagong panahon. Ito ay nagpapatunay na ang mga kaganapan sa ating buhay ay may
kaugnayan sa kasaysayan sa nakaraan. Hindi natin ito pwedeng pigilan o iwasan kaya naniniwala ka
ba sa kahalagahan ng kasaysayan?
A. Oo, dahil wala na tayong magawa sa mga nangyayari sa ating nakaraan
B. Oo, dahil ang kasaysayan ay may kaakibat na ugnayan sa kaganapan sa kasalukuyan, maging
masama man o may pakinabang
C. Hindi, dahil kung ano ang naganap sa kasalukuyan iyon ay parte ng iyong kapalaran
D. Hindi, dahil ang kasaysayan ay pwedeng burahin sa mga naganap sa kasalukuyan

7. Ipinamalas ng mga Griyego ang kanilang kagalingan sa iba't ibang larangan katulad ng pagpinta, arkitektura, agham, pilosopiya at iba pa. Sa mga ipinapakita nilang kakayahan, paano mo
mailalarawan ang mga taong Griyego?
A. Sila ay nagpapatunay na may kakayahang espesyal na kagalingan na dapat maipamalas ang
kahalagahan nito
B. Sila ay subok lamang sa kanilang panahon kaya magaling sila sa kanilang kakayahan
C. Sila ay nakaranas ng maraming pagsubok sa nakaraan kaya magaling sila sa ganung kakayahan
D. Batid nila iyon dahil ipinamana rin ito sa kanilang mga ninuno

8. Kung ikaw ay isang Griyego, na nabuhay noong panahon ng kabihasnan sa Greece, aling sitwasyon ang hindi nararapat na maganap sa iyong lungsod-estado?
A. May aktibong pakikipag-ugnayan sa pakikipagkalakalan sa mga karatig na pook
B. May isang sistema ng pamamahala na sinusunod ang mga alintuntunin at batas sa buong nasasakupan
C. Watak-watak ang mga lungsod-estado at walang pagkakaisa kaya madaling masakop sa mga
mananalakay
D. May magagaling na pinuno na mahusay na namamahala sa mga lungsod-estado

9. Ang tunay na kabihasnan ay kumikilala sa ganap o kabuuang paghubog ng katauhan ng tao sa tipunan at madama at ipinadama sa iba ang paggalang sa dignidad bilang tao. Maituturing ba na dakil ang Kabihasnang Griyego?
A. Oo, dahil ipinapakita nila ang kanilang galling sa pamamagitan ng kanilang Sining at mga Arkitektura
B. Oo, dahil napatutunayan nila sa buong mundo ang kanilang husay at talino sa pamamagitan sa mga iba't ibang ambag nito
C. Hindi, dahil marami rin silang mga bansang sinasalakay at sinasakop na humanatong sa pagkawasak ng buhay at mga ari-arian
D. Hindi, dahil karaniwang nasa kamay ng mayayamang angkan ang kapangyarihang pulitikal ng Gresya

10. May limitasyon ang maging isang mamamayan sa Athens; lalaki lamang at hindi maaaring ituring
na mamamayan ang babae. Bilang isang babae/lalaki, paano mo maaring ipaglaban ang iyong
karapatan sa isang pantay na karapatan?
A. Sasama ako sa mga kilos protesta para malaman ng mga namamahala na hindi ako sang-ayon sa ganitong uri ng lipunan
B. Makilahok at makibahagi sa mga pagpulong-pulong upang pag-usapan ng matiwasay ang mga isyung may kinalaman sa pagpapaunlad sa lipunan
C. Manahimik nalang ako at manatili sa bahay lamang para makaiwas sa gulo
D. Maghintay kung kailan gawan ng solusyon ang mga isyung panlipunan​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.