Ang Absolute at Relatibong Lokasyon ay mga paraan upang matukoy ang lokasyon ng isang lugar. Ang Absolute na Lokasyon ay tumutukoy sa eksaktong puwesto ng lugar gamit ang Longitude at Latitude. Ang Relatibong Lokasyon ay tumutukoy sa eksaktong lokasyon ng isang lugar gamit ang pumapaligid rito.
Ang pag-alam ng lokasyon ay isang paraan upang malaman kung saan eksakto nakalagay o nakapuwesto ang isang lugar. Nakakatulong ito upang mas madaling maintindihan at matagpuan ang isang lugar na nais hanapin.
Paraan ng Pagtukoy ng Lokasyon
Absolute na Lokasyon
Relatibong Lokasyon
Tiyak na Lokasyon (Absolute)
– Ito ay ang pag-alam ng eksaktong lokasyon ng isang lugar gamit ang longitude at latitude o sistemang grid. Ang tiyak na lokasyon ng isang bansa ay karaniwang itinatakda sa pagtiyak ng eksaktong lokasyon ng kabisera nito sa pamamagitan ng longitude at latitude.
Halimbawa:
Ang lupain ng Asya ay umaabot mula sa Arctic hanggang lampas ng equator. Tanging ito lamang ang may ganitong uri ng lokasyon, wala ng iba pa.
Ang tiyak na lokasyon ng Asya ay nasa humigit kumulang:
10 degree south hanggang 90 degree north latitude
Mula naman 11 degree hanggang 175 degree East longitude
At hanggang 164 degree longitude na hanggang 85 degree latitude.
Relatibong Lokasyon (Relative/vicinal)
– Ang lokasyong relative o bisinal ng isang lugar ay matutukoy sa pamamagitan ng mga nakapaligid na hangganang lupain o mga katubigang nakapaligid dito. Tinatawag na relative na lokasyong kontinental ang mga lugar na lubusang napaliligiran ng mga lupain.
Samantala, tinatawag na relatibong lokasyong maritima ang mga lugar na lubusang napaliligiran ng katubigan. Para sa mga lugar na parehong may hangganang lupain at dagat. Ang lokasyong relatibo ay ibinibigay sa pamamagitan ng mga lupain at anyong-tubig na pumapalibot sa lugar na iyon.
Answers & Comments
Answer:

Asya
Hilagang Silangan ng Africa
Timog-silangan ng Europe
Kanluran ng Pacific Ocean
Explanation: