Questions


October 2022 1 4 Report
LAGING laman ng balita ang mga sakuna. Mas marami ngayon ang nagiging biktima ng mga kalamidad. Iniulat ng Centre for Research on the Epidemiology of Disasters sa Belgium na nitong 2010 lang, 373 sakuna ang naganap at di-kukulangin sa 296,000 katao ang namatay. Kapansin-pansin din ang pagdami ng naiulat na mga sakuna sa nakalipas na mga dekada. Halimbawa, sa pagitan ng 1975 at 1999, wala pang 300 sakuna ang naiulat taun-taon. Pero sa pagitan ng 2000 at 2010, umabot ito nang halos 400 taun-taon. Isa ka siguro sa mga nagtatanong, ‘Bakit kaya napakaraming sakuna ngayon?’ Ito ay marahil sa kasakiman ng tao. Paano nagiging sanhi ng mga sakuna ang kasakiman sa ngayon? Isang report ng United Nations tungkol sa mga sakuna sa daigdig ang nagsasabi: “Kadalasan nang nagsisiksikan ang mga tao sa mga delikadong lugar gaya ng mga lugar na laging binabaha. Bukod diyan, ang pagsira sa mga kagubatan at latian ay nagpapahina sa kakayahan ng kapaligiran na matagalan ang posibleng mga panganib. Higit sa lahat, nariyan din ang banta ng pagbabago sa klima ng globo at ang pagtaas ng tubig sa dagat dahil sa patuloy na pagdami ng greenhouse gas sa atmospera na resulta ng mga gawain ng tao.” Bagaman ang karamihan sa “gawain ng tao” ay para daw sa ikauunlad ng ekonomiya, ang totoo, iyan ay resulta ng sakim at makasariling saloobin na nangingibabaw sa daigdig.

Question:
ANO – ANO ANG MGA SULIRANING PANGKAPALIGIRAN NA NABANGGIT SA ARTIKULO SA ITAAS?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.