Si Teresa Magbanua y Ferraris na kilala bilang "Juana del arco de Visaya" ay isang guro at pinunong militar. Nang sumabog ang himagsikan laban sa Imperyo ng Espanya, isa siya sa mga kakaunting kababaihan na sumali sa Panay na pwersa ng Katipunan sa Visaya, ang lihim na rebolusyonaryong lipunan na itinatag ni Supremo Andres Bonifacio.
Sa kabila ng pagsalungat ng kanyang asawa, sumunod si Magbanua sa kanyang dalawang nakababatang kapatid na humawak ng sandata at lumaban sa mga Kastila, namuno ng mga tropa at nagwagi ng ilang labanan sa ilalim ni Heneral Martin Delgado. Si Magbanua ay kinilala bilang nag-iisang babae na namuno ng mga tropa sa kabisayaan sa panahon ng himagsikan. At kalaunan ay nakipaglaban sa kolonyal na pwersa ng Amerikano sa panahon ng digmaang Pilipino-Amerikano.
Isa siya sa iilang mga Pilipino na nakibahagi sa lahat ng tatlong digmaan laban sa mga imperyalismong mga bansa, mula sa Espanya ang rebolusyong Pilipino, sa Estados Unidos ang digmaang Pilipino-Amerikano, at Hapon ang ikalawang digmaang pandaigdig.
Ang petsa ng kapanganakan ni Magbanua ay may iba-ibang naiulat; 13 Oktubre 1863, 13 Oktubre, 1868, o 4 Nobyembre 1871. Ipinanganak siya sa Pototan, Iloilo, mula sa mga magulang na mayaman. Si Don Juan Magbanua na isang hukom sa Tribunal de Primera Instancia sa Iloilo City, habang si Doña Alejandra Ferraris ay anak na babae ni Kapitan Benito Ferraris. Si Teresa ang ikalawa sa anim na mga anak. Si Magbanua ay kilala bilang masungit na bata, naalala ng kanyang kapatid na babae bilang "pabago-bago ng pagkatao, hindi mapakali, at hindi takot sa lalaki."
Nag-aral si Magbanua ng Pagtuturo sa kolehiyo, una sa Colegio de San Jose sa Jaro, Iloilo, at kalaunan sa Maynila, kung saan nag-aral siya sa tatlong magkakaibang mga paaralan ng pambabae: Colegio de Santa Rosa noong 1894, Santa Catalina College noong 1886, at Colegio de Doña Cecilia. Nakakuha siya ng sertipiko sa pagtuturo sa Colegio de Doña Cecilia noong 1894 at isang master's degree mula sa Unibersidad ng Santo Tomas. Pagkatapos ay bumalik siya sa Pototan at nagsimulang magturo, kung saan kilala siya ng kanyang mga estudyante bilang isang disiplinarya. Matapos ang apat na taon na pagtuturo sa Pototan, lumipat si Magbanua ng pagtuturo sa Sara, Iloilo, at nakatagpo si Alejandro Balderas na naging asawa niya noong 1898. Si Balderas ay isang mayamang may-ari ng lupa, at pagkatapos na siya ay mag-asawa, huminto si Magbanua sa kanyang pagtuturo at naging isang maybahay. Habang nagtatrabaho sa mga lupain ng kanyang asawa, natutunan ni Magbanua na gumamit ng pistola at sumakay sa kabayo. Ang kanyang kasanayan sa pangangabayo ay mas napabuti sa punto na umuuwi siya gamit ang kabayo mula sa Sara hanggang sa bayan ng Pototan, na may higit 30 kilometro na distansya.
Nang sumiklab ang digmaan ng mga Pilipino at Espanyol, si Magbanua ay naging kasapi ng mga rebolusyonaryo ng Katipunan. Habang ang Katipunan ay ibinubukod ang mga kababaihan mula sa mga hukbo, kinikilala din ng kilusan ang papel na ginagampanan ng kababaihan sa pakikibaka, nagbuo ang Katipunan ng isang balangay para sa mga kababihan na kasapi.
Noong Oktubre 1898, ang digmaan ay umabot sa lalawigan ng Iloilo, ang dalawa niyang mga kapatid ay sumali sa himagsikan. Habang nais ni Magbanua na tumulong sa digmaan, ang kanyang asawa naman ay tutol dito. Gayunpaman, si Magbanua ay nagtungo sa kanyang tiyuhin, na isang Major General, Perfecto Poblador. Hiniling ni Magbanua na sumama sa hukbo, habang nag-aalangan sa una, sa kalaunan ay pumayag si Heneral Poblador sa kanyang pamangkin at ibinigay kay Magbanua ang isang batalyon ng mga bolo.
Lumaban si Magbanua sa ilang mahahalagang labanan. Noong ika-3 ng Disyembre 1898, ang kanyang puwersa ay nakipaglaban at tinalo ang mga tropa ng Espanya sa labanan sa Baryo Yoting, na naganap sa Pilar, Capiz. Pinangunahan niya ang kanyang mga tropa sa kanyang unang labanan, na nakakabayo. Ang kanyang pagsisikap sa labanan sa Baryo Yoting ang nagbigay sa kanya ng palayaw na "Juana del arco de Visaya." Itinuturing din siya ng kanyang mga tropa bilang "Nanay Isa" o "Nay Isa."
Noong 3 Disyembre 1898, pinangunahan ni Magbanua ang kanyang mga tropa sa labanan sa burol ng Sapong malapit sa Sara. Nanalo si Magbanua, sa kabila ng pagiging lamang ng mga Espanyol. Matapos ang mga labanan na ito, ang puwersa ni Magbanua ay sinamahan ng mga rebolusyonaryong pwersa mula sa Antique, sa ilalim ni Heneral Leandro Fullon, para sa isang martsa patungo sa lungsod ng Iloilo.
Noong ika-24 ng Disyembre 1898, kasama si Magbanua sa pagpapalaya sa siyudad ng Iloilo, kasama ang mga Heneral, Martin Delgado, Roque Lopez, Quintin Salas at iba pa. Kasama ang iba pang mga heneral, pinalibutan nila Magbanua ang siyudad ng Iloilo, at tuluyang napasok ni Heneral Delgado ang lungsod at nabawi mula sa mga Espanyol.
Answers & Comments
Answer:
Teresa Magbanua
Oktubre 13, 1868 - Agosto 1947

Explanation:
sana makatulong