kontribusyon ng kabuhayan sa pagbuo ng Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Ipaliwanag ang pagkakaiba ng mga sumusunod. May 5 puntos ang bawat isa. 1. Paano namuhay ang mga sinaunang Filipino noong Panahon ng Bato? 2. Saan nanirahan ang mga sinaunang Filipino noong panahon ng paleolitiko? 3. Paano namuhay ang mga Filipino sa panahon ng Metal?
Answers & Comments
Answer:
1.Ang mga tao sa panahong ito ay nakagawa ng mga kagamitan na gawa sa bato.
Nabuhay sila sa pangangaso at pangunguha ng halaman.
Pangkatan sila kung nanirahan sa isang pook hangga't may makuha silang pagkain.
Pangangaso - ang mga Pilipino ay nanghuhuli ng mga hayop tulad ng baboy, tupa, at iba pa upang gawing pagkain
Pangungubat - bukod sa panghuhuli ng mga hayop, ang mga Pilipino ay nangunguha rin ng mga halaman na pwedeng kainin sa kagubatan
Panghuhuli ng lamang dagat - nanghuhuli rin ng mga lamang dagat ang mga sinaunang Pilipino
Nomadikong pamumuhay - ang mga sinaunang Pilipino noong panahon ng bato ay walang maayos na bahay kung kaya't sila ay pagala-gala lamang
2.Ang Paleolitiko ay ang panahon kung saan makikita/nakikita ang pagbabagong-anyo ng tao. Isa sa mga pinakamahalagang pangyayari dito ay ang pagdiskubre ng apoy. Ang mga tao sa Paleolitiko ay mga nomadiko, o walang permanenteng tirahan. Hinahati ang panahong Paleolitiko sa tatlong bahagi: Mababa, Gitna at Itaas. Ang Panahon ng Mababang Paleolitiko ay sinasabing panahon ng pagbabago ng anyo ng tao. Dito nakita ang isa sa mga pinakamahalagang yugto ng tao na tawag ay Australopithecine. Sinasabi ang nahukay na si Lucy ay isang Australopithecine. Ang Panahon ng Gitnang Paleolitiko ay sinasabing panahon ng pagkontrol ng mga Hominid sa kanilang kapaligiran. Sa panahon ring ito nagsimula maihayag ng mga tao ng artistikong mga abilidad. Gumuguhit sila sa mga bato at pinipinta nila ang kanilang mga katawan. Ang Panahon ng Itaas na Paleolitiko ay sinasabing panahon ng pagbuo ng kalinangan ng mga tao. Sa panahon ring ito umusbong ang mga Cro-Magnon. Sa panahong ito nagbago ang mga gawi, asal at pamumuhay ng mga tao.
3.Pamumuhay ng mga Pilipino noong Panahong Metal
Ang panahon ng Metal ay naranasan sa Pilipinas sa pagitan ng mga taong 200 BC hanggang 1000 AD. Sa ilalim ng panahong ito, ang mga sinaunang Pilipino ay nagsimulang matuklasan ang paggamit ng mga metal at ginawa nila itong mga kasangkapan. Ang mga metal na nilinang ng mga sinaunang Pilipino ay ang tanso, bakal, at ginto. Ginawa nila itong mga sandata, alahas, at mga kagamitan para sa iba’t-ibang mga industriya. Natutunan din ng mga sinaunang Pilipino ang pagpapanday at ang paghahabi ng mga tela.
Explanation:
Ang panahon ng Metal ay nagbigay sa mga sinaunang Pilipino ng mga likas na yamang magpapabago sa kanilang mga buhay. Ang paglilinang ng metal ang nagsilbing susi upang umunlad ang ating kaalaman sa teknolohiya.pa brainliest po