Kilalanin ang mga sumusunod. Isulat sa sagutang papel ang H kung ito ay tumutukoy sa hamon at O kung ito ay tumutukoy sa oportunidad. _____ 1.Pagbibigay impormasyon sa mga bagong pag-aaral at saliksik upang gumanda ang ani at dumami ang produksyon. _____ 2. Ang El Niño Phenomenon o mahabang panahon ng tag-init ay isa sa mga nakasasagabal sa mga magsasaka sa kanilang hanapbuhay. _____ 3. Ang Climate change o pagbabago ng klima ng mundo ay isa sa mga hinaharap na problema ng mga magsasaka at mangingisda sa kanilang hanapbuhay. _____ 4. Ang pagbili ng mga modernong kagamitan tulad ng underwater sonars at radars ay malaking tulong para sa ating mga mangingisda. _____ 5. Ang pagpapatayo ng planta ng yelo at imbakan ng mga isda ay makatutulong sa mga mangingisda na mapanatiling sariwa ang kanilang mga produkto. _____ 6. Ang pagbibigay ng pagkakataon para makapag-aral ng tamang paraan sa pagsasaka ay malaking tulong upang gumanda ang kanilang ani. _____ 7. Ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa pag-aani para mapabilis ang produksiyon ng mga magsasaka. _____ 8. Ang mabagal na transportasyon ng mga produktong dagat ay isa sa mga dahilan ng pagbaba ng kita sa kanilang hanapbuhay. _____ 9. Ang suliranin sa irigasyon ay isa sa bumabalakid sa mga magsasaka na magkaroon ng sapat na ani. _____ 10. Ang pagkasira ng mga tahanan ng mga isda sa ilalim ng dagat ay isa sa mga dahilan kung bakit kakaunti na lamang ang nahuhuling isda.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.