1. Ang Sistemang Pyudalism o at Manoryali smo Aralin 21
2. Pyudalismo • Isang sistemang politikal at militar sa kanlurang Europa noong Gitnang Panahon. Sa panahong ito, nanaig ang kaguluhan at kawalan ng proteksiyon. • Isang kasunduan sa pagitan ng mga aristokrata (aristocrat), o ng panginoon (lord) at basalyo (vassal).
3. pictures • aristokrata (aristocrat), o ng panginoon (lord) at basalyo (vassal).
4. Dalawang dahilan Na pinag-ugatan ng pyudalismo: • Ang ugnayang namagitan sa pangkat ng mandirigmang Aleman sa Kalakhang Europa noong Gitnang Panahon. • Sistema ng pagmamay-ari ng lupa.
5. Ang ganitong ugnayan ng panginoon ay nagbago nang sumapit ang 700 CE. Ang mga nobleman o panginoon ay kailangan ng mga hari upang labanan ang mga mananalakay kapalit ng pagbibigay ng fief o lupain na tinatawag na sistemang pyudalismo. Ang mga tumatanggap ng fief ay tinatawag namang basalyo.
6. Isipin • Paano naging simbolo ng kapangyarihan ang pagmamay-ari ng lupa? • Buhay pa ba hanggang ngayon ang ganitong paniniwala? Paano ito nakakapekto sa katahimikan at kaunlaran ng bayan?
7. Ang Lipunan sa Sistemang Pyudal
8. Tatlong pangkat sa lipunang pyudal: •Noble (Maharlika) •Klerigo •Pesante
9. Noble (Maharlika) • Kabilang dito ang mga hari, basalyo, at mga nakabababang panginoon. Namamana ang kanilang katayuan. Tanging mga hari at panginoon lang ang nagmamay-ari ng mga lupain. • Sila ang kumukontrol sa mga lupain at nagtataglay ng kapangyarihang politikal, ekonomiko, hudisyal, at militar. • Tungkulin din nila na mangolekta ng buwis at mga multa, tumayo bilang huwes sa mga pagtatalong legal, at magpanatili ng hukbo ng mga kabalyero sa loob ng kanyang teritoryo. • Siya rin ang nangangasiwa sa pagtatanim sa mga manor kung saan naroon ang kanyang lupain. Ang mga may-ari ng fief ang siyang nagharing-uri sa Europa sa loob ng 400 na taon.
10. Klerigo • Dito nabibilang ang matataas na opisyal ng Simbahan at mga pari. • Naging pari sa mga nayon (mga mahihirap na naging klerigo) at nakatira sa isang maliit na dampang malapit sa simbahan. • Hindi gaanong mataas ang pinag-aralan. • Nagbibigay-payo at tulong sa mga magsasaka, tagaayos ng mga sigalot, at gumaganap ng seremonya sa simbahan. • Nangongolekta rin ng butaw para sa binyag, kasal, at paglilibing.
11. Karamihan sa mga Obispo at iba pang matataas na klerigo ay mga noble na inilaan ang kanilang buhay sa paglilingkod sa simbahan. Sila ang pangkat na nakapag-aral, namahala ng malaking fief, at nabuhay din na parang noble. Ang ilan sa kanila ay kasingyaman at kasinlakas ng mga panginoong militar.
12. Pesante • Ito ang pinakamababang antas ng lipunan. Nabibilang dito ang mga magsasaka at nagtatrabaho sa bukid. • Bumubuo sa pinakamalaking bahagdan sa kabuuang populasyon. • Kinakailangang magtrabaho sa lupang kanilang kinagisnan at umaasa lamang sa mga noble. • Nagsisibak ng kahoy, nagkakamalig ng palay, at nag-aayos ng mga kalye at tulay. • Maraming binabayarang buwis at renta. • Nakatira sa isang dampa at pinagbabawalang mangaso at mangisda dahil sa pag-aari ito ng panginoon.
13. Ang isang pesante ay hindi kailanman maaaring maging noble, subalit ang isang tao na nagmula sa pangkat ng mga pesante ay maaaring maging klerigo at tumaas ang ranggo sa simbahan.
14. Mga Pananagutan at Pribilehiyo sa Relasyong Pyudal
15. Tungkulin ng isang basalyo: • Pagtatatag ng kawan ng mga sundalo upang mag-alay ng serbisyong militar sa panginoon ng 40 araw sa loob ng isang taon. • Pagbibigay ng perang pantubos sa panginoon kapag nabihag siya sa digmaan, kung magiging kabalyero ang pinakamatandang anak na lalaki ng panginoon, at kung ang panganay na anak na babae ay mag-aasawa. • Paglalaan ng tirahan at pagkain nang ilang panahon sa loob ng isang taon para sa panginoon at mga kasama nito. • Pagdalo sa mga pagtitipon at seremonya, tulad ng kasal ng anak ng panginoon. • Paglilingkod sa korte ng panginoon upang magpairal ng batas o katarungan.
Answers & Comments
Answer: