Expansionary Fiscal Policy - Ang expansionary fiscal policy ay isinasagawa ng pamahalaan upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya ng bansa. Ipinapakita sa kondisyong ito na ang kabuuang output ay mababa ng higit sa inaasahan. Kaakibat ng mababang output ay mataas na gastos dahil hindi episyenteng nagagamit ang lahat ng resources. Karaniwan ding mababa ang pangkalahatang demand ng sambahayan at walang insentibo sa mga mamumuhunan na gumawa o magdagdag pa ng produksiyon. Magdudulot ang ganitong sitwasyon ng mataas na kawalan ng trabaho at mababang buwis para sa pamahalaan. Upang matugunan ang ganitong sitwasyon, ang pamahalaan ay karaniwang nagpapatupad ng mga desisyon upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya. Karaniwang isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggasta sa mga proyektong pampamahalaan o pagpapababa sa buwis lalo sa panahong ang pribadong sektor ay mahina o may bantang hihina ang paggasta. Dahil dito, ang mamamayan ay nagkakaroon ng maraming trabaho at mangangahulugan ng mas malaking kita. Sa bahagi ng bahay-kalakal, lumalaki rin ang kanilang kita. Sa pagdagdag ng kita, nagkakaroon ng panggastos ang mamamayan at ang bahay-kalakal na makapagpapasigla sa ekonomiya. Sa bawat gastos ng pamahalaan, nagdudulot ito ng mas malaking paggasta sa buong ekonomiya kung kaya’t maaasahan ang mas malaking kabuuang kita para sa bansa. Ganito rin ang epekto ng pagbaba ng buwis. Higit na magiging malaki ang panggastos ng mga sambahayan dahil sa nadagdag na kita mula sa bumabang buwis kaya asahang tataas ang kabuuang demand sa pagkonsumo.
Answers & Comments
Answer:

Magbasa pa ukol dito: brainly.ph/question/282078
Basahin ang picture upang mag karron pa ng ideya dito:
Hope It Helps
#CarryOnLearning
#KeepOnLearning