Kapaligiran Ni: Jorhayda M. Asamly

Napapansin mo ba ang ating kapaligiran Napakalungkot kung iyong pagmasdan Mga dumi at maling basurahan Nakakalat na lang kung saan-saan. Kay dumi na ng hangin Na ating lalanghapin Pati na ang mga ilog natin Ngayo'y tila nagiging kulay itim. Pagputol ng mga puno sa kagubatan Tigilan na at muli nating taniman Pag-unlad na likas ating tutukan Sapagkat ito ang dapat makamtan. Imulat natin ang ating kaisipan Pagkakaisa'y tunay na kailangan Paglahok sa pangangalaga ng kalikasan Tiyak maganda ang kalalabasan. Pang prosesong tanong:

a. Ano ang ibig iparating sa atin ng tula?

b. Sa pagmamasid mo sa ating paligid, masasabi mo bang maka- totohanan ang mensahe ng tula?

c. Ano ano ang ginagawa ng mga tao sa ating kapaligiran?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.