Questions


October 2022 1 6 Report
Kailan pinasinayaan ang Unang Republika ng Pilipinas?

A. Enero 23, 1899
C. Enero 19, 1899
B. Enero 21, 1899
D. Enero 18, 1899

SAGOT: A. ENERO 23, 1899

Ang Unang Republika ng Pilipinas

Noong Enero 23, 1899, pinasinayaan ang Unang Republika sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan. Sa pagtatatag nito, nagbunsod ang pagkakakilanlan ng Pilipinas bilang isang nasyon, at nagsilbi itong patunay na may kakayahan ang mga Pilipinong pamahalaan ang kanyang sarili.

Ang Unang Republika ay maiuugat mula pa sa himagsikang sinimulan ng Katipunan noong 1896. Sa pamumuno ni Andres Bonifacio, nilayon nilang makamit ang kasarinlan ng Pilipinas. Pagkatapos, napalitan ang Katipunan ng isang rebolusyonaryong pamahalaan na kumilos sa ilalim ni Emilio Aguinaldo. Ngunit, sa huling bahagi ng taong 1897 nagkaroon ng Kasunduan sa Biak-na-Bato na nagpatapon sa grupo ni Aguinaldo sa Hongkong.

Nang pumutok ang digmaang Espanyol-Amerikano, bumalik sina Aguinaldo sa bansa. At noong Hunyo 12, 1898, opisyal na inihayag ang kasarinlan ng bansa kung saan iwinagayway ni Aguinaldo ang bandila sa Kawit, Cavite. Iba-ibang uri ng pamahalaan ang itinatag bago ang Unang Republika ng Pilipinas. Anim na araw pagkatapos ang pagwawagayway ng watawat ay lumikha ng pamahalaang diktatoryal si Aguinaldo. Pagkatapos, ipinalit dito ang isang rebolusyonaryong pamahalaan na pinagtibay noong Agosto 1, 1898.

Noong Setyembre 15, 1898 naman, tinipon ang Kongresong Rebolusyonaryo sa Malolos kung saan sila ay inatasang buuin ang konstitusyon ng bansa. Mula sa mga itinalagang opisyal at mga inihalal na kinatawan mula sa lahat ng probinsiya ng Pilipinas ay nabuo ang Kongreso. Isa sa mga unang ginawa ng Kongreso ay ang pag-apruba sa June 12, 1898 Proclamation of Independence.

Ika-23 ng Disyembre, 1898 nang sa wakas aprubahan ng Pangulong Aguinaldo ang burador ng Konstitusyon. Pinagtibay ito ng Kongreso ng Malolos noong Enero 20, 1899 at pormal naman itong ipinahayag ni Pangulong Aguinaldo noong Enero 21, 1899.

Ayon sa Konstitusyong nilikha ng Kongreso ng Malolos, mayroong tatlong sangay ang pamahalaan: Ehekutibo, pinamumunuan ng Pangulo at ng mga kalihim ng bawat kagawaran; Lehislatura, sa ilalim ng isang Punong Ministro at binubuo ng mga kinatawan mula sa mga probinsiya (Kongreso); at ang Hudikatura, isang pangulo ng Korte Suprema ang namumuno rito kasama ang iba pang mga Hukom.

Bilang hindi praktikal ang eleksyon noon, ang Kongreso ang naghalal kay Aguinaldo bilang Pangulo ng Pilipinas. Siya ay hinirang noong Enero 23, 1899—ang parehong petsa kung kailan opisyal na itinatag ang Unang Republika ng Pilipinas na kumpleto sa mga katangian ng estado: tatlong sangay ng pamahalaan, isang konstitusyon, at teritoryong napapasailalim ng gobyernong may hukbong sandatahan.

Ang Unang Republika ng Pilipinas ay nagtapos noong Marso 23, 1901 nang madakip at sumuko si Aguinaldo sa ilalim ng sundalong Amerikano sa Palanan, Isabela. Bagama’t maiksing panahon ang kinahinatnan nito, ito ay tumatak bilang unang republikang itinatag sa Asya.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.