Ang La Liga Filipina ay isang samahan na itinatag ni Jose Rizal sa Pilipinas noong Hulyo 3, 1892. Binubuo ito ng mga taong nagnanais na maputol ang pang-aapi ng mga Kastila sa mga Pilipino. Ito ang nagpasimula ng pagkakaroon ng nasyolisasyon ng mga Pilipino. Ang pangunahing layunin nito ay maging malaya ang Pilipinas sa España sa mapayapang paraan. Ang pangulo nito ay si Ambrosio Salvador. Ito ay nagtagal lamang ng tatlong araw. Ipinakulong si Rizal noong Hulyo 6, 1892 at ipinatapon siya sa Dapitan noong Hulyo 7, 1892.Ang La Líga Filipína ang samahang itinatag ni Jose Rizal sa Kalye Ilaya, Tondo noong 3 Hulyo 1892, sa panahong umuusbong ang militanteng nasyonalismo sa lipunang Filipino. Hangarin ng nasabing samahan ang mga sumusunod: 1) pagkakaisa ng buong Filipinas, 2) pagtataguyod ng mga reporma, 3) pagbibigay ng suporta sa edukasyon, agrikultura, at komersiyo, 4) paglaban sa anumang uri ng karahasan at di-makatarungang gawain, at 5) pagbibigay ng proteksiyon at tulong ng bawat kasapi sa isa’t isa.
Answers & Comments