Siya ay isang mabungang makata, manunulat ng sanaysay, at nobelista na ang pinakatanyag na akda ay ang kanyang dalawang nobela, ang Noli Me Tángere at ang sumunod na El Elibibusterismo. Ang mga komentaryong panlipunan sa panahon ng kolonisasyon ng Espanya sa bansa ang bumuo ng punong-puno ng panitikan na nagbigay inspirasyon sa mga mapayapang reformista at armadong rebolusyonaryo.
Kilala ng marami sa atin si Jose Rizal bilang duktor, manunulat, makata at lengwista. Pero tingin ko kakaunti lang ang nakakikilala sa kanya bilang historyador.
Para kay Rizal, may saysay ang kasaysayan.
“Sa Noli Me Tangere, isinalarawan ko sa inyo ang kasalukuyang kalagayan ng ating bayan,” anya sa pambungad ng kanyang anotasyon o komento sa 1609 Sucesos de las Islas Filipinas (Mga Pangyayari sa mga Isla ng Pilipinas) ni Antonio de Morga. “Pero sa nakita kong epekto nitong ginawa ko, napagtanto kong kailangang ipakita sa inyo ang ating nakaraan bago subukang ilahad sa inyo ang mga susunod kong sulatin. Sa ganitong paraan lamang ninyo mahuhusgahan nang patas ang ating kasalukuyan at masusukat ang anumang pag-unlad sa tatlong dantaon ng pamamahala ng Espanya sa ating lupain.” (Akin ang salin)
Kalalabas pa lamang noon sa imprenta ng Noli Me Tangere o Huwag Mo Akong Hipuan, este, Salingin (sino ba naman ang gumagamit pa ngayon ng “salingin”?) at naghahanap siya ng inspirasyon sa susunod niyang nobela, ang El Filibusterismo o Ang Pag-aalburoto. Nabalitaan niyang may kopya ang British Museum ng libro ni Tunying, este, ni Morga. Iilan na lamang ang natitirang kopya ng libro na nagkukwento sa kasaysayan ng Pinas bago dumating ang mga Kastilaloy. Kaya nag-ipon siya ng pamasahe at pumunta sa London noong 1888. (Ito rin yung panahong naghahasik ng lagim si Jack the Ripper sa London. Kaya nga naging biruan ngayon ng mga pilyo at malisyoso nating kababayan na si Rizal umano si Jack the Ripper. Ang dahilan: Mahilig daw sa chicks si Rizal; aburido siya dahil wala siyang masyadong pera; natigil yung mga pagpatay nang umalis na si Joey sa London; at pareho raw JR ang initials nina Jack at Joey. Katawa-tawa. Pero balik tayo sa pinag-uusapan ko…)
Answers & Comments
Answer: