Narito ang ilang impormasyon na kailangan nating malaman para sa pagkatuto:
Ang Kolonyalismo ay tumutukoy sa ginawang paggalugad, pagsakop, at pananamantala ng mga bansang kanluranin sa mas mahihinang bansa.
Mayroong tatlong layunin ang kolonyalismo. Ito ang:
God - Mahigpit ang labanan ng relihiyong Kristiyanismo at Islam noon pagdating sa kung alin mas laganap. Ang mga bansang kanluranin ay patuloy lamang sa pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo. Natatakot sila na baka ang relihiyong Islam ay maging mas laganap kaysa sa Kristiyanismo. Kaya naman kanilang dala-dala ang layunin na palaganapin ang Kristiyanismo sa mga bansang kanilang madidiskubre at masasakop.
Gold - Napansin ng mga Europeo o ang mga nakatira sa mga bansang kanluranin sa mga akda ni Marco Polo sa kanyang paglalakbay sa Asya na mayaman ito sa iba't ibang mineral at spices. Isa sa mga layunin ng mga Europeo ang mapakinabangan ang mga yamang ito na nagtulak sa kanila upang maglakbay sa iba't-ibang parte ng Asya kabilang na ang Pilipinas. May mga dala silang regalo para sa mga pinuno upang maging maganda ang kanilang relasyon sa isa't-isa. Walang kaalam-alam ang mga pinuno at mga mamamayang ito na ang mga dumating sa kanilang lugar ay mga mananakop.
Glory - Hindi mawawala sa kanilang hangarin ang maging kilala sa buong mundo at magkaroon ng malaking kapangyarihan. Kaya hindi na kataka-taka na sa pagbasa natin ng mga libro tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas o ng Asya ay makikita natin na nagpatupad sila ng mga batas na sila lamang ang nakikinabang tulad ng pagpapatupad ng buwis.
Malaki ang naging impluwensya ng Kolonyalismo ng iba't-ibang bansa sa Asya. Nasasalamin nito ang kultura, relihiyon, atbp.
Answers & Comments
Verified answer
Kasagutan:
Kolonyalismo
Ano ang Kolonyalismo?
Narito ang ilang impormasyon na kailangan nating malaman para sa pagkatuto:
Ang Kolonyalismo ay tumutukoy sa ginawang paggalugad, pagsakop, at pananamantala ng mga bansang kanluranin sa mas mahihinang bansa.
Mayroong tatlong layunin ang kolonyalismo. Ito ang:
Malaki ang naging impluwensya ng Kolonyalismo ng iba't-ibang bansa sa Asya. Nasasalamin nito ang kultura, relihiyon, atbp.
Matuto pa tayo tungkol sa kolonyalismo!
Mga Paraan ng Pagtutol sa Kolonyalismo - brainly.ph/question/2751878
Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Asya - brainly.ph/question/110587
Ano ang Imperyalismo? - brainly.ph/question/505815
#CarryOnLearning