Isulat kung Tama o Mali ang isinasaad ng pangungusap. Isulat sa papel ang iyong
sagot.
1. Masasabing parasitiko sa kapaligiran ang mga tao noong panahong
Paleolitiko,umaasa lamang sila sa kung anong biyaya mayroon ang
mga puno sa kapaligiran na makapupuno sa kanilang pang araw araw
na pamumuhay at pagkatapos ay aalis kapag naubos na ang mga ito.
2. Kakaiba ang nangyari nooong panahon ng lumang bato kung saan
natutong magtanim at mag-alaga ng mga hayop ang mga tao.
3. Gumagamit parin ng tanso at bakal ang mga Filipino sa paggawa ng
mga bagay hanggang sa ngayon.
4. Sa mga kabundukan, lambak nagsimula ang mga kauna-unahang
kabihasnan ng Asya.
5. Ang kaihasnang Sumer ay nagkaroon ng sistema ng pagsulat na
tinawag na cuneiform kasunod nito ang pagkakaroon ng mga scribe na
tagatala o tagasulat ng mga pangyayari sa pamamagitan ng pag ukit.
6. Sa mga clay tablet na naging basehan ng mga historyador ng
eksaktong petsa kung kailan naganap ang isang pangyayari.
7. Sa kabihasnang Shang ginamit na simbolo ng pagsulat ang mga oracle
bones. Dahil sa sunod sunod na pamumuno ng mga mahihinang hari ay
bumagsak ang Shang at dito nabuo ang paghahari ng mga dinastiya.
8. Mahiwaga ang kabihasnang Indus dahil maraming katanungan ang
hindi masagot ng mga arkeologo tulad na lamang ng hindi
maipaliwanag na kahulugan ng mga simbolo ng pagsulat ng mga Indus
na pictogram.
9. Dahil sa mga kabihasnang dumaan ay nagpasalin-salin ito at
pinagmulan ng pag-unlad ng mga nasa Asya.
10. Malaki ang papel ng mga kabihasnan sa pag-unlad ng ating mga
ninuno sa sinaunang panahon.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.