Isaisip
3. Bakit mahalaga ang ugnayan ng tao at kapaligiran?
5. Bilang isang responsableng mag-aaral, paano mo mapananatili ang maayos na ugnayan ng tao sa kaniyang kapaligiran?

Tayahin
1. Anong sitwasyon ang nagpapakita ng mahalagang ugnayan ng tao at kaniyang kapaligiran?
A. Hindi kailangang magtrabaho ni Marco dahil nakatira naman siya sa condominium sa Makati.
B. Pangingisda ang kabuhayan ni Mang Manuel dahil malapit ang kaniyang tirahan sa dagat.
C. Maaaring ubusin ang mga puno sa lugar ni Carlo dahil marami namang puno sa gubat na malapit sa kanila.
D. Lahat ng sagot ay wasto.

2. Ang sumusunod ay nagpapakita ng ugnayan ng tao at kapaligiran sa Kanlurang Asya maliban sa isa. Ano ito?
A. Ang langis na kapag nilinang at ginamit ay magiging kapaki-pakinabang sa mga Asyano.
B. Naging biyaya sa Kanlurang Asya ang pagkakatuklas ng yamang langis sa mga bansang kinabibilangan nito.
C. Nililisan ng mga taga-Kanlurang Asya ang kanilang lugar dahil sa kakulangan ng taniman at inuming tubig bunsod ng pagiging disyerto nito.
D. Nagbigay-daan ang mga produktong langis upang umunlad ang mga bansa sa Kanlurang Asya dahil ang nasabing produkto ay pangunahing pangangailangan ng maraming bansa.

3. Alin sa sumusunod ang magiging resulta ng hindi maayos na ugnayan ng tao at kapaligiran sa aspekto ng pangangalaga at pananatiling nasa mabuting kalagayan ang kapaligiran?
A. Pagkasira ng mga likas na pinagkukunang yaman ng bansa.
B. Paglinang nang wasto sa mga pinagkukunang yamang likas ng bansa.
C. Pagdami ng bilang ng mapagkukunan ng pagkain at inuming tubig ng mga tao.
D. Pagsagawa ng proteksiyon sa mga nanganganib na species ng mga halaman, hayop at ibon.

4. Paano naipakikita ang ugnayan ng tao at kapaligiran?
A. Umaayon ang kapaligiran sa pangangailangan ng tao.
B. Walang nagaganap na ugnayan sa pagitan ng tao at kapaligiran. C. Binabago ng tao ang kapaligiran upang matustusan ang kaniyang pangangailangan.
D. Lahat ng nabanggit.

5. Bakit mahalaga ang ugnayan ng tao at kapaligiran?
A. Upang maipalaganap ang responsableng paglinang sa kapaligiran. B. Upang maipagmalaki ng mga tao ang pag-unlad ng kanilang kapaligiran.
C. Upang maiangkop ang mga tao sa pangangailangan ng kanilang kapaligiran.
D. Upang mapakinabangan ng tao ang mga pagbabagong nagaganap sa kapaligiran

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.