Ang karunungan ay tumutukoy sa angking talino, husay, at kakayahan; ito ay isa sa pinakamagandang regalo ng Dios sa tao. Maituturing na may angking karunungan ang isang tao kung ang kaalaman nito ay nagagamit at naipamamalas ng may buong pagtatagumpay. Ang pilosopiya ng karunungan ay binubuo ng pang-unawa, kaalaman, at aplikasyon o pagganap; hindi masasabing karunungan kung ang isang tao ay nagtataglay lamang ng kaalaman. Mahalagang may kakayahang gumanap ng pagkatuto upang masabing ang tinataglay ng isang tao ay karunungan.
Dalawang sitwasyon upang mas maunawaan ang kahulugan ng karunungan
Unang Sitwasyon Si Berta ay isang mag-aaral na kumukuha ng pagsasanay sa Bread and Pastry kaya mahilig siyang magbasa ng mga resipe tungkol sa paggawa ng tinapay at cake. Alam niya ang mga sangkap at proseso sa paggawa ng mga ito ngunit hindi pa niya nasusubukang magmasa ng mga ito. Tiwala siya na kaya niyang gumawa ng mga ito; kaya inihanda niya ang mga sangkap at nagsimulang gumawa. Lumipas ang oras at natapos na ang pagluluto ng cake at tinapay subalit hindi naging maganda ang naging resulta nito. Ang kanyang cake ay matigas samantala ang mga tinapay niya ay hindi umalsa.
Ikalawang Sitwasyon Si Lorena ay lumaki sa panaderya ng kanyang tiya; kaya kahit walang pormal na pag-aaral sa paggawa ng tinapay at cake ay may kakayahan itong gumawa ng mga ito. Isang araw ay may kompetisyon sa pangagawa ng cake; walang duda ang kanya husay sapagkat siya ang itinanghal na nagwagi.
Answers & Comments
Answer:
ang karunungan para sakin ay ang iyong kaalaman lubusang pag kaunawa sa isang bagay
Answer:
Ibig sabihin ng Karunungan