Nagsimula ito sa pamumuno ni Paraon Menes. Sa panahong ito itinatag ang isang sentralisadong pamahalaan sa Ehipto. Ang Lumang Kaharian ay tinatawag na “Panahon ng Piramide” dahil nagsimula ang pagpapatayo ng bawat paraon ng libingan na hugies piramide. Ang unang piramide ay kay Paraon Djoser na baibaitang ang disenyo na matatagpuan sa Saqqara. Ang mga piramide ay patunay na mayroong matatag na pamahalaan ang kabihasnan ng Ehipto. Sa panahon ni Paraon Khufu o Cheops pinasimulan ang pagpapagawa ng piramide na nagsisilbing libingan ng mga paraon. Naging kahanga hanga ang likha noong sinaunang panahon kaya ang Lumang Kaharian ay tinatawag na dakilang panahon ng mga piramide.
Lumaganap ang kabulukan sa pamahalaan at naubos lamang ang kaban ng bayan sa pagpapatayo ng mga piramide. Lumaganap ang kaguluhan, at nagpaligsahan sa kapangyarihan ang mga maharlika. Naganap ang maraming labanan hanggang sa humina at nagkawatak-watak ang Matandang Kaharian. Ang huling hari ay napaalis sa trono at umupo si Amenemhet I, isang malakas na lider mula sa Thebes.
Ang Gitnang Kaharian ay nagsimula sa pamumuno ni haring Mentuhotep II. Sa panahong ito muling napagisa ang Ehipto at pinalakas muli ni Mentuhotep II ang sentralisadong pamamahala at kalakalan. Ang panahon ding ito ay tinatawag na “Panahon ng Maharlika” dahil ang mga maharlika ang nagpakilos sa pamahalaan. Si Amenemhet I ang nagpalago at nagpaunlad ng sibilisasyon ng Ehipto, tumagal ito ng 250 na taon at nakilala sa kasaysayan. Si Amenemhet I ang nagbigay-diin sa isang pananampalataya na kumikilala sa iisang Diyos na si Amon. Nagpatayo rin siya ng kuta upang magsilbing proteksiyon sa mga posibleng mananalakay na magmumula sa silangan.
Pinasimulan din ang pagtatalaga sa anak na lalaki bilang katuwang niya sa pamamahala(co-regent) sa katauhan ni Senusret I. Pinalawak din niya ang ugnayang pangkalakalan sa Palestina, Syria, at Crete sa Mediterranean kaya’t muling lumakas ang kapangyarihan ng mga maharlika at pari. Hindi nakayanan ng mga pinuno ng naunang dinastiya ang pamamahala kung kaya’t ang mga hangganan ay unti unting napasok ng mga taga-Nubia pagsapit ng ikalabintatlong dinastiya. Noong 1640, namuno ang mga mananalakay mula sa Gitnang Silangan sa lipunang Ehipsiyano. Nagdala ng kaayusan at kaunlaran ang pamumuno ng mga Hyksos sa loob ng 160 taon ngunit pinatalsik sila sa Ehipto sa isang pagaalsa na pinamunuan ni Ahmose I ng Thebes. Ang panalo ni Haring Ahmose I ay nagbigay daan sa ikalabingwalong dinastiya at naghudyat sa pagpasok ng bagong kaharian.
Matapos maitaboy ang mga Hyksos noong 1567 BCE, naitatag ang bagong dinastiya at nagsimula na rin ang Bagong Kaharian sa paghahari ni Ahmose I. Muli niyang binuo ang Ehipto sa iisang kaharian sa ilalim ng kabisera ng Thebes. Nanumbalik ang kapangyarihan ng mga paraon na nagtaguyod sa imperyo sa pamamagitan ng pananakop ng mga lupain. Ito ang panahon ng pagpapalawak sa teritoryo ng Ehipto, kaya tinawag ang panahon ng “Panahon ng Imperyo”. Sa pamamagitan ng pangongolekta ng buwis at kalakalan, yumaman ang imperyo ng Ehipto. Si Reyna Hatshepsut na unang babaeng paraon na nagdala ng katahimikan at kaunlaran sa bansa sa loob ng 19 na taon.
Si Thutmose III na pinalaki pa ng teritoryo nang sakupin ng kanilang hukbo ang mga lupain hanggang sa ilog Euphrates sa silangan at sa Nubia sa katimugan. Nang umupo si Rameses II, ipinatayo niya ang lungsod ng Pi- Rameses at mga gusali ng Abu Simbel at templo ng Ramesseum. Nakipagdigma din siya sa mga Hittites ng Syria at kalaunan ay nakipagsundo sa kanila. Ang huling paraon sa ikalabingwalong dinastiya ay si Horemheb, na namuno mula 1319 hanggang 1307. Pinasimula niya ang pamumuno ng mga militar na paraon sa ikalabinsiyam na dinastiya. Kinalaunan, hindi nakayanan ng mga pinuno ng ikadalawampung dinastiya ang unti-unting pagbagsak ng bansang Ehipto.
Answers & Comments