Ayon sa Artikulo VIII, Seksyon 1 ng 1987 Konstitusyon, ang kapangyarihan ng Hudikatura ay nakasalalay sa Korte Suprema (Supreme Court) at mga mababang korte (lower courts). Katungkulan nitong desisyunan ang mga pagtatalo hinggil sa mga karapatang ipinagkaloob ng batas sa bawat mamamayan. Pagpapasyahan ng mga korte ng Hudikatura kung napagkait o nalabag ang legal na karapatan ng isang partido, at maaari itong gumawa ng mga hakbang upang maibalik ang karapatang ito sa mananalo sa kaso.Philippine Mediation Center
Ang Philippine Mediation Center ay binuo sang-ayon sa Supreme Court Resolution A.M. No. 01-10-5-SC-PHILJA, na inilabas noong Oktubre 16, 2001. Kahanay ito ng layunin ng Action Program for Judicial Reforms (APJR) na bawasan ang pagpapatong-patong ng mga kasong nakasampa sa korte, kasama ng iba pa; kahanay rin ito ng mga alituntuning nagtatatag at nagpapatupad ng programang tagapamagitan sa Pilipinas.
Philippine Judicial Academy
Ang Philippine Judicial Academy (PHILJA) ay ang paaralan kung saan sinasanay ang mga mahistrado, hukom, kawani, abogado, at iba pang nagnanais maging bahagi ng Hudikatura. Orihinal itong binuo ng Korte Suprema noong Marso 16, 1996 sa bisa ng Administrative order No. 35-96, at pinagtibay noong Pebrero 26, 1998 sa pamamagitan ng Republic Act No. 8557. Walang kahit sinuman ang maaaring mag-umpisa ng kanyang tungkulin sa Hudikatura nang hindi natatapos ang kinakailangang pagsasanay sa loob ng akademya.
Answers & Comments
Answer: