II. Punan ng wastong impormasyon ang tsart sa ibaba mula sa mga napagaralan sa klase
•Namuno sa Pagaalsa
1. Cavite Mutiny
2. Pagaalsa ni Sumuroy
3. Pagaalsa ni Tamblot
4. Pagaalsa ng mga Igorot
5. Raha Lakandula
•Dahilan ng Pagaalsa
______
______
______
______
______
[Nonsense answer = Report]
Answers & Comments
Answer:
1. Pinaniniwalaang nag-ugat ang pag-aalsa sa pagpapataw ni Gobernador- Heneral Rafael de Izquierdo ng personal na buwis sa mga kawal at manggagawa, samantalang dati na siláng hindi saklaw nitó. Isinaad ng buwis ang pagbabayad ng salapi at pagbibigay ng polo y servicio, o sapilitang trabaho.
2.Noong 1649, ipinag-utos ni Gobernador Heneral Diego Fajardo na magpadala ng mga manggagawang taga-Samar sa Cavite upang magtrabaho sa pagawaan ng mga barko. Dahil hindi naibigan ng mga Bisaya ang kanyang pinag-utos at labag ito sa utos ng Hari ng Espanya, nagrebelde sila
3. Inibig ni Tamblot na bumalik sa dáting pananampalataya ang mga kababayan.
4.Ang Pag-aalsa ng mga Igorot ay isang pag-aalsang pangrelihiyon noong 1601 laban sa tangka ng mga Espanyol na gawing Kristiyano ang mga Igorot ng Hilagang Luzon sa Pilipinas.
5.Siya ang bukod tanging may prebilehiyo nang hindi pagbabayad ng buwis at pagiging malaya sa paghahanap-buhay. Subalit hindi nagtagal ang kaginhawang ito , sapagkat ito ay ipinatigil ni Governador Lavezares. Ito ang naging dahilan kung bakit nag-alsa si Raha Lakandula laban sa mga Kastila.