II. Panuto: Ipaliwanag kung paano nakatulong sa mga mamamayan ang mga sumusunod na programa ng
pamahalaang Komonwelt.
1. Programa sa Sining at Agham (2 puntos)
2. Pagsulong ng wikang pambansa (2 puntos)
3. Karapatan ng kababaihan sa pagboto (2 puntos)
4. Pagbawas ng baitang elementarya Mula pito na naging anim (2 puntos)
5. Pagtatalaga ng minimum wage (2 puntos)
pa answer po please
Answers & Comments
Verified answer
Answer:
1. ang programa sa Sining at Agham na ipinatupad noong panahon ng Komonwelt ay naging malaking bahagi sa pag taas ng moral ng mga manlilikha ng bayan. Nabigyan sila ng pagkakataon na mahasa ang kanilang mga kakayahan at kasanayan sa paglikha ng Sining.
2. Ang pagsulong ng wikang pambansa noong panahon ng Komonwelt ay naging daan upang magkaroon o maitalaga ang sariling pagkakakilanlan ng ating bansa. Ito ay nag silbing daan upang ipakita sa mga mananakop na tayo ay isang buong bansa at may sariling pagkakakilanlan.
3. Ang pagtalaga ng karapatan ng Kababaihan sa pagboto noong panahon ng Komonwelt ay nag bigay ng kakayahan sa mga kababaihan na ipaglaban ang kanilang kaalaman; na sila ay may sariling boses at kakayahang magdesisyon para sakanilang mga sarili. Dahil dito, naipakita ng mga lider na sila ay nakikinig sa boses ng mga kababaihan patungkol sa kagustuhan ng pantay na pagkilala sa lahat ng tao nang hindi inihihiwalay ang kababaihan sa kalalakihan.
4. Ang pagbabawas ng baitang sa elementarya noong Panahon ng Komonwelt ay naging malaking tulong sa mga mag-aaral na mabawasan ang kanilang panahon na i-uukol sa pag-aaral kung saan maaari silang makapagtapos nang mas aaga at makahanap ng trabaho upang makatulong sa kanilang pamilya.
5. Dahil sa pagtalaga ng minimum wage noong panahon ng Komonwelt, nagkaroon ng pantay pantay na pagtingin at trato sa mga manggagawa. Dahil dito, hindi na basta basta lamang maaabuso ang mga manggagawa sa paraang pagbigay ng mababang sweldo para sa napakabigat o hirap na gawain. Sa pagtatalaga ng minimum wage, sigurado ang maiuuwing sweldo ng mga manggagawa at sapat para sakanilang pamumuhay ang matatanggap na sweldo. sa ganitong paraan, walang naaabusong manggagawa at aangat ang kanilang estado ng pamumuhay.
#LET'S STUDY
brainly.ph/question/9619886