II. A. Punan ang patlang upang mabuo ang nilalaman ng teksto. Sa loob ng mahabang panahon, ang Europa ay yumakap sa iba't-ibang relihiyon at nanalig sa maraming Diyos. Nang pumasok ang mga Hudyo sa kontinente, sila ay inalipusta dahil sa kanilang paniniwala sa iisang Diyos at sa panahon ni Emperador Nero sa Imperyong Roman, maraming Kristiyano ang pinatay sa pamamagitan ng pagsunog at pagpako sa Krus. Habang ang Roman Empire ay nasa tugatog ng kaningningan at tagumpay, ang Kristiyanismo ay nasa kadiliman, ngunit unti- unting nagbago ang lahat nang maging emperador si 41. C ______________na siyang nagtatag ng Kristiyanismo bilang opisyal na relihiyon ng imperyo bagama't hindi lubusang nabura ang kultura ng paganismo.