Ang tao ay mayroong walang katapusang kagustuhan at pangangailangan na kailangan niyang matugunan. Gaano man karami ang mga pinagkukunang-yaman kung walang hanggan naman ang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao, hindi rin mabibigyan ng solusyon ang suliranin sa kakapusan. Ang kaalaman ukol sa kagustuhan at pangangailangan ng bawat isa ay makatutulong nang malaki sa paggawa ng mga desisyong may kaugnayan sa suliranin sa kakapusan.
KAGUSTUHAN– ang paghahangad ng mga bagay na higit pa sa batayang pangangailangan (basic needs). Ito ang mga bagay na maaaring wala ang isang tao subalit sa kabila nito ay maaari pa rin siyang mabuhay. Hinahangad ito ng tao sapagkat ito ay magbibigay kaginhawaan, kasiyahan, kaunlaran, at karangalan.
PANGANGAILANGAN– ay mga bagay na lubhang mahalaga upang ang tao ay mabuhay kabilang dito ang mga basic needs – damit, pagkain, at tirahan. Kapag ipinagkait ang mga bagay na nakatutugon sa mga pangangailangan ng tao, magdudulot ito ng sakit o kamatayan.
Answers & Comments
Answer: