Questions


September 2022 1 1 Report
I NEED IT TODAY
! NONSENSE WILL BE REPORTED !

11. Bakit maraming mga tao ang gustong manirahan sa isang urban?
a. Dahil sariwa ang hangin rito at kaunti lamang ang mga sasakyang makikita.
b. Dahil mas kaunti ang mga magnanakaw at ligtas ang paninirahan rito.
c. Dahil mas maraming pananim rito na kung saan malayang nakakapagtanim ang mga tao.
d. Dahil sa mas maraming oportunidad upang magtrabaho rito.

12. Ito ay uri ng kultura na hindi makikita at mahahawakan ngunit nararamdaman at nararanasan sa pang-araw-araw na buhay ng isang komunidad.
a. Kulturang Katolisismo
b. Materyal na Kultura
c. Kulturang Pang-Kristiyano
d. Di-Materyal na Kultura

13. Ano ang isinisimbolo ng kulay asul na makikita sa bandila ng Pilipinas?
a. Kagitingang ipinamalas ng ating mga bayani upang maisalba ang bansa.
b. Kapayapaang nais makamit ng mga Pilipino at matagal nang inaasam-asam.
c. Tatlong pangunahing pangkat ng bansang Pilipinas, ang Luzon, Visayas, at
Mindanao.
d. Ang walong lalawigang lumalaban para sa kapayapaan laban sa mga dayuhang Espanyol

14. Ang kanilang pangkat ay ang pinakamalaki sa Pilipinas. Sila ay mahilig sa sayawan at awitan. Kilalang pagdiriwang nila ay ang pista ng Sto.Nino at Sinulog Festival.
a. Ilokano
b. Ilonggo
c. Cebuano
b. Tagalog

15. Kahit mahirap ang buhay ni Ethan, gumagawa pa rin siya ng paraan upang makatulong sa mga taong nangangailangan ng tulong lalong-lalo na iyong mga taong nasunugan, nasalanta ng bagyo, baha, lindol, at iba pa. Bumibili siya ng mga makakain kaya lamang sa bulsa niya, minsan ay nangongolekta siya ng mga gamit na hindi na nagagamit ng kanyang mga kakilala upang ibigay ito sa mga biktima. Anong katangiang Pilipino ang ipinapakita ni Ethan base sa seleksyon?
a. Pagtutulungan o Bayanihan
b. Matatag na pagharap sa buhay
c. Pagtanaw ng utang na loob
d. Pagkamaawain at pagtulong sa biktima ng sakuna

16. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang pangangalaga sa ating bandila?
a. Ang bandila ay iniingatang huwag sumayad sa lupa o marumihan.
b. Ang bandila ay ginagawang kurtina upang ang ating tahanan ay maging kaaya-aya sa paningin ng mga bisita.
c. Ang bandila ay ginagawang basahan o mop sa sahig ng silid-aralan.
d. Ang bandila ay hindi ginagamit upang ito ay hindi mapunit.

17. Ang mga sumusunod ay ang mga halimbawa ng isang materyal na kultura, maliban sa isa. Alin rito ang hindi kabilang?
a. Barong at baro’t saya
b. Kaugalian ng isang pinoy
c. Pagkain
d. Pagsasaka at pangingisda

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.