Ang pagtatanim ng palay ay hindi basta basta, kailangan dito ang ibayong pagpaplano dahil sa may kalakihan ang puhunan o pera na iyong kakailanganin, depende sa laki ng lupa na iyong pagtatamnan.
Maselan ding itanim ang palay, kaya’t nangangailangan ito ng masusing pagaalaga mula umpisa hanggang sa pagaani.
Kailangan ding suriing mabuti ang lupang gagamitin sa pagtanim, kailangan ay malapit ito sa irigasyon na kung saan ay siyang magsisilbing patubig sa iyong palay.
Madaling ring dapuan ng peste at mga insekto ang palay, ang mga ito ay maaaring sumira sa iyong pananim at maging dahilan ng tiyak na pagkalugi sa loob lamang ng maikling panahon.
Ngayong alam nyo na ang mga dapat isaalangalang sa pagtatanim ng palay, alamin naman natin kung ano ang tamang mga hakbang sa pagtatanim ng palay.
PARAAN SA PAGTATANIM NG PALAY: TAMANG MGA HAKBANG
PAGHAHANDA NG LUPANG PAGTATAMNAN NG PALAY:
Pag-aararo. Araruhin ang lupa ng isang beses sa katamtamang lalim (10-15 cm.)
Pagsusuyod. Suyurin ang lupa isang linggo matapos ang pag-aararo at ulitin pagkaraan ng isang linggo.
Pagpapatag. Patagin ang lupa sa pamamagitan ng paletang hila-hila ng kalabaw o hand tractor.
Pagsasaayos ng mga pilapil. Linisin at ayusin ang mga pilapil para maisara ang mga butas na maaaring maging daanan ng tubig at pamugaran ng daga.
PAGHAHANDA NG BINHI AT PAGGAWA NG PUNLAAN:
Pagpili ng punlaan. Pumili ng isang lugar sa palayan na malayo sa lilim at mga kabahayan na gagawing punlaan.
Paghahanda ng punlaan. Gumawa ng 300-400 sqm. na punlaan para sa 15-20 kg. binhi para sa isang ektarya. Katamtaman ang isang metrong lawak na punlaan at ang haba nito ay depende sa haba ng pinitak. Maglagay ng organikong pataba sa daming 1kg./sqm. upang maging malusog, madaling bunutin ang mga punla at mabawasan ang pinsala sa ugat.
Paghahanda ng binhi. Ibabad ang binhi sa malinis na tubig sa loob ng 24 oras. Palitan ang tubig kada 6 na oras upang maiwasan ang pagkasira ng buto. Iahon ang binhi, takpan, panatilihing basa at ikulob sa loob ng 24-36 na oras.
Pagsasabog ng pinatubong binhi. Isabog ang binhi sa daming isang dakot (50 gramo) kada 1 sqm. sa punlaang mamasa-masa.
Pag-aalaga ng punla. Patubigan ang punlaan pagkaraan ng 2-3 araw sa lalim na 2-3 cm. Panatilihing may tubig ang punlaan hanggang sa araw ng pagbubunot. Sa ika-sampung araw, magsabog ng 20-40 gramo ng urea kada 1 sqm. o 8-16 kg. para sa 400 sqm. punlaan. Importanteng mabantayan ang punlaan laban sa pinsala dulot ng mga daga, kuhol, ibon at kakulangan ng tubig.
PAGLILIPAT-TANIM AT PAG-AABONO:
Ang punlang may gulang na 18-21 araw ay handa nang ilipat-tanim. Magtanim ng 1-2 punla kada tundos sa layong 20 x 15 cm. kapag tag-init at 20 x 20 cm. kapag tag-ulan.
Huwag putulin ang dahon ng palay dahil magiging daanan ito ng mga baktiryang sanhi ng sakit.
Answers & Comments
Answer: