I. Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang LETRA ng tamang sagot sa patlang.
_____1. Isang katangiang pisikal ng kapaligiran sa Hilaga o Gitnang Asya ay ang pagkakaroon ng malawak na damuhan
o grasslands. Alin sa mga uri ng grasslands ang may damuhang matataas at malalalim ang ugat na nasa ilang
bahagi ng Russia at Manchuria?
A. prairie B.savanna C.steppe D. tundra
_____2. Ang China ay kilalang nagtataglay ng malalawak na lambak-ilog na pinasasagana pa ng Huang Ho River at
Yangtze River. Alin sa mga sumusunod na gawain ang maaaring nakatulong sa paglinang ng ekonomiya ng
bansa? A. agrikultura B. pagmimina C. pangingisda D. pagtotroso
_____3. Paano nababago ng pagsabog ng mga hanay ng bulkan ang kapaligiran na matatagpuan sa Pacific Ring of Fire?
A. Ang paglindol at paggalaw ng lupa ay nagbubunsod ng pagbabagong pisikal ng anyong lupa at tubig.
B. Ang pagbaha sa tabing dagat ay dahilan para lumikas ang mga tao
C. Ang pagbitak ng mga lupa ay dahilan ng pagkamatay ng mga puno
D. Ang paglakas ng hangin ay dahilan ng pagkasira ng mga tahanan
_____4. Ang Pilipinas ay binubuo ng humigit-kumulang na pitong-libong mga pulo. Paano ito nakakaapekto sa paghubog
ng ating kultura bilang Pilipino?
A. Dahil sa layo-layo ng mga pulo at ng mga taong naninirahan dito ay nakabuo ng iba’t-ibang kultura.
B. Dahil sa layo-layo ng mga pulo at ng mga taong naninirahan dito ay hindi naging hadlang para magkaisa ng
paniniwala.
C. Dahil sa layo-layo ng mga pulo at ng mga taong naninirahan dito ay dumami rin ang mga nasasakupan ng
kanilang teritoryo.
D. Dahil sa layo-layo ng mga pulo at ng mga taong naninirahan dito ay nakakapamasyal ang mga tao sa iba’t
ibang lugar.
_____5. Ang mga halimbawa ay nagpapakita ng magandang ugnayan ng mga Asyano sa kanyang kapaligiran MALIBAN sa
A. Nakakapamasyal ang mga turista sa iba’t-ibang bansa sa Asya dahil sa karagatan.
B. Nakakapagtanim ng mga palay ang mga Pilipino tuwing tag-ulan.
C. Nagiging tanyag ang Asya sa magagandang tanawin dahil dulot ng pagputok ng mga bulkan sa Pacific Ring of Fire.
D. Pananatili ng mga tao sa loob ng bahay bunga ng Covid-19 pandemic

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.