Answer:
si pangulong manuel roxas
Sa kanyang ginawang talumpati noong Hulyo 4, 1946, bilang pangulo ng
Ikatlong Republika, binigyang diin ni Pangulong Manuel Roxas ang dalawang
pangunahing layunin ng kanyang administrasyon. Una ay mapalaki ang
produksyon at maibangong muli ang industriyang winasak ng digmaan. Ikalawa,
patuloy na pagsuporta sa mga adhikain tungo sa isang mapayapang daigdig sa
pamamagitan ng pakikiisa sa Estados Unidos.
Bilang pagtugon sa kanyang unang layunin na lutasin ang mga suliraning
pangkabuhayan, nagpatupad si Roxas ang mga programang pang-
elektripikasyon, mga pagsasanay sa mga gawaing bokasyonal, at pag-aanyaya
balikat ni Pangulong Roxas ang
napakalaking hamon ng paglutas
sa mga pangunahing suliranin ng
bansa dulot
Reference: DepEd (Project EASE
Module)
sa mga dayuhang kapitalista gaya ng mga Amerikano na magtayo ng kanilang
negosyo dito sa bansa. Maka-Amerikano si Roxas. Ito ay naging malinaw sa
mga Pilipino noong inihayag niya sa kanyang talumpati na dapat sumunod ang
mga mamamayan sa Estados Unidos at sa adhikain nito. Di nagtagal, ang
Pilipinas na isa nang Republika, at ang Estados Unidos ay nagsagawa ng
kasunduan. Ito ay ang Treaty of General Relations. Ayon sa kasunduan, binawi
at isinuko ng Estados Unidos ang kanyang pag-aari, pangangasiwa,
pananakupan at kapangyarihan sa buong kapuluan maliban lamang sa mga
base militar na mananatiling tagapagtanggol ng Pilipinas at Estados Unidos.
Habang hindi pa nakapagtatatag ng serbisyong diplomatiko ang Pilipinas sa
ibang bansa, kakatawanin muna ng Estados Unidos ang interes ng Pilipinas sa
mga bansang wala itong kinatawan. Sa kabilang dako, pumayag ang Pilipinas
na akuin ang lahat ng pagkakautang ng lungsod, munisipalidad at
lalawigan na umiral noong Hulyo 4, 1946. Sumang-ayon din ang Pilipinas na
ipagpatuloy ang lahat ng obligasyon ng Estados Unidos na nakapaloob sa
kasunduan ng Paris, noong Disyembre 10, 1898. Sa pamamagitan ng
Kasunduang General Relations, opisyal na kinilala ng
Estados Unidos ang kalayaan ng Pilipinas. Sa gitna ng pagtutol nina Luis Taruc,
Claro M. Recto at Sergio Osmeña, naisulong ni Roxas ang pagpapatibay sa
Parity Rights noong Marso 11, 1947. Ang susog na ito ay nagbigay ng pantay na
karapatan sa mga Amerikano sa paglinang sa mga likas na yaman ng bansa.
Bilang suporta kay Roxas pinagtibay naman ng kongreso ang Bell Trade Act of
1946 na ipinanukala ni Kongresista Jasper Bell ng Missouri. Ito ay nagtatadhana
ng pagkakaroon ng malayang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Estados
Unidos mula Enero 1946 hanggang Hulyo 1954. Sa ilalim ng kasunduan, ang
mga taripa sa iba’t ibang produktong Amerikano at Pilipino ay taunang
madaragdagan ng 5 % hanggang maging 100 % pagsapit ng 1974. Bukod pa
dito, nilagdaan din ni Pangulong Truman ang Tydings Rehabilitation of Act 1946
na nagtatadhana ng pagtanggap ng Pilipinas ng $620 milyon mula sa ang
Estados Unidos upang maipagawa ang mga napinsala ng digmaan at maibalik
muli ang mga palingkurang-bayan. Sa gitna ng pandaigdigang krisis at
kaguluhan noong 1948, naanyayahang magpahayag ng katapatan si Pangulong
Roxas sa Estados Unidos sa Kelly Theater sa Clark Air Base noong Abril 15,
1948. Kinagabihan, habang si Roxas ay nagpapahinga, siya ay inatake sa puso
na naging sanhi ng kanyang maagang kamatayan.
Explanation:
lesson po namin yan
Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.
Answers & Comments