Ang Silangang Asya ay binubuo ng Hapon, Timog Korea, Hilagang Korea, Mongolia, Tsina, at Taiwan. Ito ay may kabuuang sukat na 11,795,887 kilometro kwadrado.
Sinasabi ng mga eksperto na ang Silangang Asya ay itinuturing na pinaka liblib na rehiyon sa buong Asya sa kadahilanang ito ay napaka hirap puntahan. Maraming balakid sa pagtungo rito tulad ng bundok sa Kanlurang Tsina, mga Disyerto sa Gitnang Asya at ang malawak na karagatan patungo sa Timog Silangang Asya. Mabundok ang rehiyong ito, sa katunayan, kung susuriing mabuti ang mapa ng Tsina, mapapansing nahahati ito sa dalawang bahagi sa pamamagitan ng kabundukan sa kanluran patungo sa silangan.
Ang pangkalahatang kalagayan ng panahon sa Silangang Asya ay dulot ng hanging habagat kaya’t itinutiring itong monsoon climate. Magkakaiba ng panahon ang mga bansa sa rehiyon sa kadahilanang masyado itong malawak. Ang mga bansang nasa mababang latitud ay nakararanas ng mainit na panahon. Ang ibang lugar sa Silangang Asya kagaya ng Everest, ay nababalutan ng yelo.
Makikita ang kabundukan ng Greater Kingan sa hilaga na tila nag babantay sa kapatagan ng Manchuria at nakasasakop sa mababang gilid ng mga talampas ng Shansi at Shensi. Nasasaklaw ng mga talampas ang malawak na reserba ng karbon. Matatagpuan sa Timog Silangang Manchuria ang mga deposito ng karbon, bakal, at langis. Sa paligid naman ng ilog Hwang Ho makikita ang mga mineral na tulad ng graba at buhangin, samantala, sa ilog Yangtze ay may malaking deposito ng bakal.
HAPON
Uri ng Pamahalaan: Parliamentary Democracy
Ang bansang Hapon ay isang kapuluang matatagpuan sa silangang baybayin ng Asya. Napliligiran ito ng Russia sa hilaga, Korea sa kanluran at Taiwan sa timog.
Mayroon itong apat na pangunahing pulo: ang Hokkaido, Kyushu, Honshu at Shikoku. Karamihan sa mga pulong ito ay mabubundok at mababato. Marami ring mga bulkan ang matatagpuan dito, ang iba ay aktibo at ang iba naman ay patay na. Madalas makaranas ng pag yanig o pag lindol ang bansang Hapon sapagkat ang kanalalagyan nito ay nasa tinatawag na earthquake belt.
Marami rin sa mga Hapones ang nahilig sa pagsasaka katunayan nito ay ang mayamang taniman nila sa kapatagan na malapit sa baybay dagat. Halos mapuno na ito sa pananim kaya’t upang magkaroon sila ng karagdagang bukirin, inukit nila ang mga tagiliran ng burol, katulad ng ginawa ng mga Ifugao sa Banaue Rice Terraces. Sa kasalikuyan, maunlad ang taniman sa bansang ito ngunit ikalimang bahagi na lamang ng kabuuang lupain ang nalalabi na lang upang pagtaniman.
Sagana ang bansa sa mineral na tanso at karbon na ginagamit nila sa paggawa ng mga produktong elektroniko.
May mahalumigmig na klima sa bansang hapon ang klimang ito ay itinuturing nilang malaking biyaya para sa kanilan pananim . Bagamat madalas inuulan ng yelo ang bansang ito , hindi naman ito nakapipinsala sa kanilang ekonomiya.
Answers & Comments
Answer:
Topograpiya at Likas na Yaman ng Silangang Asya