gumuhit ng isang bagay na maaaring simbolo sa kahalagahan ng yamang tao sa asya pagkatapos ipaliwanag sa loob ng di bababa sa walong pangungusap ang kaugnayan nito sa tungkuling ginagampanan ng yamang tao sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon
Answers & Comments
Verified answer
Answer:
Yamang Tao ng Asya
Ang iguguhit kong simbolo ng mga yamang tao sa Asya ay tulay.
Ang tulay ay isang mahalagang istruktura para sa mga tao. Gamit ito, nakakatawid tayo sa mga ilog o mga bangin. Napili ko ang tulay bilang simbolo ng mga yamang tao dahil nagiging tulay ang mga tao para sa pagbabago. Kung wala ang mga yamang tao, hindi makakarananas ng malakihang pag-unlad ang Asya. Nararapat lang na tulay ang gawing simbolo dahil ito ay matatag at tumatagal ng mahabang panahon. Maganda rin na gawing simbolo ang tulay dahil kaya nitong manatili sa pwesto kahit magbago ang paligid nito. Katulad ng mga yamang tao sa Asya, ang mga tulay ay nagkakaiba-iba din sa disenyo. Sa bandang huli, malaki ang naitutulong ng tulay para sa atin, kaparehas ng mga yamang tao.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga yamang tao, bisitahin lamang ang link na ito:
brainly.ph/question/8353991
#BrainlyEveryday