Gumawa ng isang TULA na magpapakita ng kahalagahan ng paggawa ng mabuti upang maitaguyod ang dignidad ng bawat tao. Ang tula ay dapat maglaman ng 3 hanggang 5 saknong at bawat saknong ay dapat na mayroong 4 na linya. Filipino ang gamiting salita sa paggawa ng tula.
Answers & Comments
TULA TUNGKOL SA PAGGAWA NG MABUTI
Kahalagan ng Paggawa ng Mabuti
Bawat tao ay may kabutihang taglay,
Kabutihang siyang dapat na isabuhay
Na dapat ring isagawa nang sabay-sabay,
Upang lahat ng tao ay may ngiting hindi sablay.
Mahalaga ang paggawa ng mabuti,
Sapagkat dito nakikita ang kulay ng iyong budhi.
Ipakita sa tao ang tunay na kabutihan,
Anuman ang kanilang anyo at buhay na kinatatayuan.
Naitataguyod ang dignidad ng tao sa mabuting gawa,
Maliit man o malaki ang iyong nagawa.
Magkaroon ng respeto, pagmamahal, at paggalang,
Sa mga tao, anuman ang kanilang edadt at natapos na baitang.
Sa panahon ngayon ang paggawa ng mabuti ay siyang in,
Lalo na sa pandemyang ito na dinurog ang ating mga mithiin.
Hindi kailangan ng malaking perang ambag,
Tulong na mula sa iyong puso, iyon ay sapat at hinding-hindi mababasag.
brainly.ph/question/2068995
#LETSSTUDY