gumawa ng isang liham para sa mga pilipino na nagpapahayag ng inyong saloobin hinggil sa kasalukuyang pag-uugali ng mga tao tungkol sa pagkakaroon ng colonial mentality kaisipang kolonyal na sulat sa papel
''Liham para sa Kapwa ko Pilipino mula sa isang Dabawenyo''
Ni Liz Arcillas
Di namin akalain na darating bigla sa amin ang isang nakakagimbal na sakuna. Ni sa hinagap di namin inisip na biglang yayanig ang aming buong paligid.
Parang kelan lang masayang naglalaro ang mga bata sa daan. Mayroong handaan sa mga lugar na may kapiestahan. At bawat pamilya ay nagsasalo sa masayang kainan. Octobre 16 madilim na ang paligid, hapunan na sana ng biglang yumanig, di namin ginusto at ni wala sa aming isip, na may trahedyang sa bawat pamilya ng lupang pinangako ay sasapit. Ilang segundo, at ilang minuto lang ba iyon? Sa isang kisap mata may mga bitak na ang mga bahay at struktura na pinanday na sana ng panahon. Mga kabuhayan ng bawat isa at kaligtasan ay biglang nagambala.
Hindi biro ang trauma sa bawat pagyanig. Di biro ang takot na nasa aming dibdib. Mga magulang, anak at aming mga kapatid kaligtasan nila ang laging aming iniisip. Pero sa kabila ng lahat ng ito. Sa bawat araw na lumilipas na niyayanig ang aming mundo, nagpapatuloy kami, tumatawa pa rin at pilit na iniisip na pagsubok lamang ang lahat ng ito.
Subalit hindi pa nga nakakabangon ang bawat bayan, isang bugso pa ng pagguho ang aming naranasan. Maraming namatay, nasugatan at tuluyang nawalan ng bahay at kabuhayan. May mga batang maliliit na walang kaalam alam na natutulog ngayon sa daan.
Ramdam ko ang luha at hinagpis. Ang pait at kawalan ng pag asa ng iba sa kanilang mga isip. Ang takot na nasa kanilang mga dibdib. Kung saan tatakbo kung ang bawat sulok ay pwedeng gumuho. Pagod, gutom, ginaw at walang hanggang kaba. Yan ngayon ang nasa mukha ng isat-isa.
Mindanao, oo nga at minsan tingin nyo ay kaguluhan. Gyera at walang humpay na putukan. Pero alam niyo po ba na sa likod ng mukhang yan. Ang totoong mindanao, masaya, puno ng katapangan, katatagan, pang unawa at pagmamalasakit sa kapwa.
Ilang bagyo na ba at unos ang dumating? Di siguro man lang napansin. Pero Luzon at Visayas ng kayo po ay dumaan sa mga pagsubok na dala ng ulan at hangin. Yung kinatatakutan niyong lugar na akala nyo ay puro kaguluhan lang ang angkin ay siyang unang lumingon, nag alala at walang ano ano mang tanong nagpaabot ng tulong at mga dalangin. Kaya naming ibahagi kung ano mang aming anihin, di man kami mayaman ngunit kaya naming ibahagi kung anong meron sa amin. Sa panahon ng tagtuyot at tag gutom, yung mula sa maliliit naming pananim at kung anong meron handa pa rin kaming magbigay sa buong bayang nangangailangan ng tulong sa bawat dumadating na hamon.
Hindi po ito isang paniningil ngunit gusto ko lang po sanang itanong. Kung bakit ngayong kami naman ang sa gitna ng kapahamakan at malaking hamon yung iba sa inyo ay hinahamak, tinatawanan at minamata ang aming sitwasyon? Sino po ba ang hindi makasalanan dito sa balat ng lupa? Bakit may nagsasabing puno kami ng kasalanan sa may likha? Sino po bang presidente ang perkpekto, dahil ba gusto niyang baguhin ang mukha ng bayang Pilipino na sadlak sa druga at katiwalian, ang lupang sinilangan niya sasabihin niyong kakayanin niyang mag isa na ibangon ito?
Tingnan niyo po sana ang mata ng aming mga maliliit na bunso, mga nasa sinapupunan pa lang na hindi pa nasisilayan ang mundo, mga matatandang sa ngayon pinaghirapan nilang ipundar ay gumuho, kamay namin ay nangangailangan ng makakapitan kahit man lang pagmamahal diyan sa inyong mga puso. Pareho po tayong Pilipino may dugong palaban at tinatawanan ang bawat problemang binabato ng mundo. Pero nalulungkot kaming may ibang ni minsan di marunong rumespeto.
Mula Davao hanggang Cotabato. Sa mga mahal kong taga Mindanao at lahat ng Dabawenyo. Saludo ako sa tatag at katapangan na bitbit niyo. Babangon po uli tayo. Lilipad muli ang Agila, huhupa din ang pagyanig ng lupa, maglalaro po uli lahat ng mga bata. Maitatayong muli ang mga gumuhong bahagi. Ang mahalaga manatili tayong buo, buhay at kayang lagpasan lahat ng pagsubok sa mga panahong ito.
bossbaby1000
If you need help from someone reliable, someone who has already helped many people, then you can expect all the best from such user: trustworthiness, accuracy and fascination with the world of science.
Answers & Comments