gumawa isang sanaysay na nagpapahayag ng damdaming makabayan at makakalikasan. na pumupuna sa mga hakbang na isinasagawa ng samahan ng mga bansa sa asya upang mapangangalagaan ang timbang ng kalagayang ekolohikal ng rehiyon.
pasagot nonesense report tsk
Answers & Comments
Ang hindi pagbibigay ng pansin sa pag-aalaga ng ekolohiya ay maaaring humantong sa mga mas malalang sakuna o kalamidad sa mga bansa sa Asya. Kabilang sa magiging resulta nito ay ang paglala ng gutom, uhaw, pagkawala ng ari-arian, buhay at hanapbuhay. Upang maiwasan ang mga sitwasyong sinusubukan ng mga samahan lalo na ang mga lider sa Asya na lumikha ng mga kagamitang panteknolohiya na nagpoprotekta sa kalikasan, sa tao at mga hayop. Sa mga nagdaang taon, nagkaroon ng paglipat ng mga aktibidad tulad ng paglipat sa mapagkukunan ng enerhiya. Dahil sa climate change din nagkaroon ng mga programa sa pagprotekta ng kalikasan at paghihigpit sa pagbibigat ng mga lisensya sa pagmimina.
Dulot din ng climate change, hindi na rin naging pangkaraniwan ang pagtaas ng tubig sa karagatan at na siyang resulta ng natutunaw na mga glacier. Ito ang magiging sanhi kung bakit maraming mga tao na naninirahan malapit sa karagatan ang kailangang ilikas at mawalan ng tirahan. Malaki rin ang epekto ng nito sa pag-init ng mundo kaya maraming nagsasagawa ng mga tree planting sa mga kabundukan upang maibsan ang init. Bagaman ang tatlong-kapat ng mundo ay nasasakupan ng tubig, mahirap makuha ang mga mapagkukunan ng tubig. Magiging problema rin ang paghahanap ng malinis na tubig dulot ng patuloy na pagdumo lalo na ng mga karagatan at mga pagkaing dagat dahil sa mga basurang kinakain ng mga isda. Kaya nararapat na magkaroon ng mga polisiya ang mga bansa sa asya upang maregulate ang paggamit ng mga plastic upang hindi tuluyang marumihan ang mga karagatan. Kakabit din nito ay upang mapangalagaan ang mga specie lalo na ang mga endangered species.
Paano pa dapat mapalagaan ang mga likas na yaman ng mga bansa sa Asya?
1. Urban planning- nararapat na pagplanuhing mabuti ang mga lugar kung saan magtatayo ng mga gusali nang walang naaapektuhan ng mga kagubatan at maraming mga puno at mga katubigan.
2. Pagpapatuloy ng mga tree planting project at paghihigpit sa mga pagbibigay ng permiso sa mga logging companies.
3. Regulasyon sa paggamit ng plastic. Paggamit ng teknolohiya upang matunaw ang mga plastik o mga alternatibong kagamitan upang mapalitan ang paggamit ng plastik. Karamihan sa mga basura ay maaaring mai-recycle at magamit muli. Para sa mga ito, ang basura ay dapat na ihiwalay sa baso, plastik, metal at basura ng baterya. Ang mga basura na pinaghiwalay bago maitapon ay maaaring magamit muli at ang negatibong epekto ay maaaring mabawasan nang malaki. Ang responsableng pagtatapon ng basura ay dapat isaalang-alang.
4. Sa lugar na pang-industriya, mahalagang kontrolin ang mga gas na inilabas sa kapaligiran. Dahil ang mga hindi pagkontrol aa gas ay naglalabas ng parehong polusyon sa hangin na nakakaapekto sa kalusugan ng tao.