good morning paki sagot po ng maayos nonsense = report account
bilang isang mag aaral, paano mo maibabahagi sa iyong kapwa kabataan ang kahalagahan ng ating panitikang pilipino at bakit nga ba dapat itong pag aralan?
Bilang isang mag-aaral, maibabahagi ko sa aking kapwa kabataan ang kahalagahan ng ating panitikan sa pamamagitan ng pagtangkilik mismo sa mga ito. Kahit sa simpleng paraan ng pagbabahagi nito sa social media kung saan maraming madla ang maaaring maabot, karaniwan pa ay mga kabataan, ay magagawa ko itong maipagmalaki at gawing paraan upang impluwensiyahan ang iba. Ito ay dahil sa pagtangkilik ng panitikang Pilipino ay maisasabuhay at maisasaisip ko ang mga araling napupulot ko mula rito at sabay pa nito ay makakatulong ako sa pagpapamulat ng ibang tao. Dagdag pa rito, ang sariling panitikan ay dapat inaaral dahil pinapahayag dito ang mga kaisipan, damdamin, karanasan, at paniniwala sa ating bansa, pati na rin ang koleksyon ng ating kasaysayan bilang mga Pilipino. Dito ay matututunan natin ang pinagmulan ng ating mga nakasanayan, o kaya naman mamulat pa tayo sa ating sariling kultura at mga paraang maaari natin ilapat sa araw-araw nating pamumuhay sa kasalukuyan.
Answers & Comments
Answer: