Gawain sa Pagkatuto Bilang 5-Sumulat ng maikling sanaysay na nagpapahayag ng inyong pagkaunawa sa naganap na Una at Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo at iugnay ito sa nangyari sa ating kasalukuyang panahon .Gawin ito sa isang malinis na papel.
Answers & Comments
SANAYSAY :
( Correct po ito, written by me din po. No need to adjust things and optional nalang po kung mayi-reremove po kayo, this is correct. )
Ang unang yugto ng Imperyalismong Kanluranin ay naganap noong ika-15 hanggang ika-17 siglo. Ito ang panahon ng eksplorasyon o paghahanap ng mga lugar na hindi pa nararating ng mga Europeo. Ang explorasyon ang nagbigay-daan sa kolonyalismo. Sa Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo, matatandaan na ang mga makapangyarihang bansa sa Europa ay nagtatag ng imperyo sa ibayong dagat. Ang Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo naman ay naganap noong ika-18 at ika-19 siglo. Isa sa mga dahilan sa paglunsad ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo ang pagiging mas madali na paglalakabay sa malalawak na karagatan para sa mga Europeo dahil sa mga ibensyon sa teknolohiya at agham dulot ng Rebolusyong Siyentipiko sa Europa. Nagkaroon ng malaking pangangailangan para sa pamilihan at mga hilaw na materyales para sa mga industriyang nabuo sa Europa at lalong nagpaigting sa panibagong paglalakbay ng mga Europeo noong ikalawang yugto. Ang dahilan sa mas maayos na paglalakbay sa malawak na karagatan noong ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonyalismo ay ang mga imbensyon sa teknolohiya at agham dulot ng Rebolusyong Siyentipikol, sa kasalukuyang panahon, ito rin ang dahilan sa mas mainam na paglalakbay sa karagatan, ang mga naimbentong sasakyang pangdagat, subalit ang mga imbensiyong naipakilala noong ikalawang yugto ay mas napabuti at mas ipinaunlad pa ngayon. Maraming naiambag sa kasalukuyang panahon una at ikalawang yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo.