Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Punan ang tsart sa ibaba ng mga impor- iyong sa iyong gustong masyong kinakailangan. Base sa paksa, ano ang iyong alam at ano ang malaman. Isulat sagutang papel ang sagot. Pagkatapos mong gawin ito ituloy mo ang pagbasa sa paksa at pagkatpos muling balikan ang gawain sagutan ang bahaging at natutunan. Natutunan Gustong pang Malaman Paksa Alam Epekto ng Patakarang kolonyal na ipinatupad ng Espanya sa bansa gaya ng: Pagbubuwis Sistemang Bandala Kalakalang Galyon Monopolyo sa Tabako Sapilitang Paggawa CAR Patakarang Pampolitika
Answers & Comments
Answer:
Epekto ng Patakarang Kolonyal ng mga Espanyol
Narito ang aking mga sagot:
Pagbubuwis – ang epekto nito sa mga Pilipino ay ang pagkawala ng kanilang mga salapi, ari-arian, at mga ani dahil sobra kung maningil ng mga buwis ang mga Kastila at gigipitin talaga nila ang mga katutubo.
Sistemang Bandala – ang epekto nito ay ang pagsama ng loob ng mga magsasaka dahil hindi sila ang nasusunod kung magkano ang presyo ng mga ani nila na ipinagbibili sa mga prayleng Kastila.
Kalakalang Galyon – ang epekto nito ay ang pagkalat ng mga produkto, halaman, tradisyon, wika, at kaugalian na nanggaling sa Mexico. Ilan sa mga halamang naiangkat mula sa Mexico ay ang kamatis, patatas, kamote, at cacao.
Monopolyo sa Tabako – ang epekto nito ay kontrolado lamang ng iisang grupo ang presyo ng tabako.
Sapilitang Paggawa – ang epekto nito ay ang pagpapahirap sa mga kalalakihang may edad 16 hanggang 60.
Patakarang Pampolitika – ang epekto nito ay ang mas matindi pang pagkontrol ng Espanya sa Pilipinas.
Explanation: