Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Isulat ang mga tungkuling nakaatas sa mga pinuno na nakasulat sa kahon. Gamitin ang tsart sa ibaba sa pagsagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Uri ng Pinuno Tungkulin ng Sinaunang Namumuno Emperor ng China Emperor ng Japan Cakravartin
Answers & Comments
Answer:
Pagpaplano
-Pagpapatatag ng nasasakupan
-Pagtatalaga ng mga taong pupuno sa mga posisyon
-Paghahati ng mga gawain ng may hangad na makamit ang mga layunin.
-Pagpapanatili ng kaayusan kung meron mang hidwaan sa miyembro ng pangkat.
Tungkulin ng Emperor ng Tsina
-ang sinaunang emperador ng Tsina ay sinasabing si Qin Shi Huang na nakuha ang titulong emperador noong 221BC.
-Isa sa naging tungkulin niya ay ang pagsamahin ang buong sinasakupang emperyo ng Tsina sa ilalim ng iisang pamamalakad.
-SIya din ang tinaguriang nagtatag ng Dinastiyang Qin.
-Sinimulan niya ang mga reporma sa ekonomiya at pampulitika.
Tungkulin ng Emperor ng Japan
-Ang emperador ng Japan ay itinuturing na makapangyarihang pinuno o hari
-Isa sa mga opisyal na tungkulin nito ay pagtanggap ng mga dignitaryong dayuhan mula sa ibang bansa.
-Siya din ang may kapangyarihan na magtalaga ng Punonng Ministro.
Tungkulin ng Cakravartin
-ito ay isang salita na nag uugnay sa Sanskit na pangalan para sa perpektong hari.
-tungkulin nitong pangalagaan at ipagtanggol ang kanyang nasasakupan
-magpanatali ng katarungan at kapayapaan.