Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin at unawain ang teksto.
Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Sa kauna-unahang pagkakataon, iwinagayway ang bandila ng Pilipinas noong Hunyo
12
, 1898 sa Kawit, Cavite. Ito ang araw na ipinahayag ang kalayaan ng Pilipinas. Sa
saliw ng Marcha de Filipinas o Lupang Hinirang na obra ni Julian Felipe at tinugtog ng
Banda ng Malabon, nasaksihan ng mga Pilipino ang isang makasaysayang pangyayari
sa ating bansa (Aurellano et. al., 2017).
Mula nang maipahayag ang kalayaan ng ating bansa, ang Lupang Hinirang ay naging
bahagi na ng pamumuhay ng lahat ng Pilipino. Nagsisimula ang bawat linggo ng mag-
aaral sa pamamagitan ng pagpapahayag ng pagmamahal sa ating bansa.
Isinasagawa ito sa pag-awit ng Lupang Hinirang tuwing umaga ng Lunes.
Ganito rin ang ginagawa ng mga manggagawa sa halos lahat ng industriya. Ang
pagmamahal sa ating bansa ay ipinahahayag sa pamamagitan ng mga gawaing tulad
ng pag-awit sa Lupang Hinirang.
1.
Ano ang pumasok sa iyong isipan habang binabasa mo ang teksto?
2.
Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa ating watawat at Pambansang Awit?
3. Paano nailahad sa Pambansang Awit ang pamumuhay ng mga
Pilipino?
Answers & Comments
Answer:
1.lubos na ikinatuwa ng mga pilipino ang pagkakataon na iyon dahil tayo ay nakalaya na sa mga dayuhan na nanakop sa ating bansa
2.sa simpleng paggalang sa ating pambansang awit at sa ating watawat at syempre kung may flag ceremony na nagaganap ay dapat na tayoy tumayo ng tuwid at ilagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib upang maipakita ang ating paggalang
3.naipahayag dito ang pamumuhay ng mga pilipino at pagiging matatag na ipaglaban ang kalayaan ng ating bansa
╰══ღ❦ღ═══════╯