Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: OPINYON O KATOTOHANAN
PANUTO: Isulat sa patlang ang KATOTOHANAN kung ang pahayag ay tama at OPINYON kung ito ay isang opinyon
lamang.


1. Ang pangunahing layunin ng Rebelyong Taiping at Boxer sa China ay magapi at
patalsikin ang mga dayuhang namumuno sa kanilang bansa.
2. Sa pagpapakita ng nasyonalismo sa pamamagitan ng karahasan, nagtagumpay ang
Rebelyong Taiping at Boxer sa pagpapatalsik ng mga dayuhan sa kanilang bansa
3. Hindi katulad ng China na nagpumilit isara ang mga daungan para sa kanluranin, ang
naging tugon ng Japan ay buksan ang mga daungan at ipatupad ang Open Door Policy na kung saan nagsimulang
umusbong ang kanilang nasyonalismo.
4. Ang Indonesian Communist Party ay isang samahan na naghangad ng kalayaan sa
mga Dutch at nag-alsa noong 1926 hanggang 1927. Sila ay nagtagumpay sa kanilang layunin na makatamtan ang
kalayaan.
5. Ganap na nakamit ng mga Indonesian ang kalayaan dahil sa isang matagumpay na
rebolusyon na kanilang inilunsad matapos ang ikalawang Digmaang Pandaigdig..
6. Matagumpay na napatalsik ang mga Hapones ng Anti-Facist People's Freedom
League na Itinatag ni Aung San sa tulong ng Allied Powers noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
7. Matapos ang Ikalawaang Digmaang Pandaigdig, nahati sa dalawa ang Vietnam dahil
sa magkaibang ideolohiya. Ang Hilagang Vietnam na pinamunuan ni Ho Chi Minh at Timog Vietnam na
pinamunuan ni Bao Dai.
8. Si King Sasavang Vong ang nagdeklara ng kalayaan ng Laos matapos ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
9. Sa pagpasok ng mga kastila sa Pilipinas, dinala nila ang relihiyong Islam na niyakap
ng mga Pilipino.
10.Ang pagpapamalas ng nasyonalismong Pilipino ay pinasimulan ng mga ilustrado na
nagtatag ng Kilusang Propaganda at ipinagpatuloy ng mga Katipunero na nagpasimula ng Katipunan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.