Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: AYUSIN AT KILALANIN. Pag-aralan ang mga magkakahalong letra, ayusin ang mga ito upang makabuo ng pangalan ng mga kilalang Pilipino na lumaban para sa bayan. Isulat ang nabuong pangalan sa ibaba nito at kilalanin ang kanilang nagawa o kontribusyon nasa kabilang kahon. A. SEOJ ZARIL 1. Nagtatag ng KKK.
Pa sagot po
Answers & Comments
Verified answer
Mga Pilipinong lumaban para sa bayan
Sagot:
Narito ang mga bayani na lumaban para makamit ang kalayaan ng bansa at ng mga Pilipino.
1. Andres Bonifacio (letter D)
Si Andres Bonifacio ang unang Pilipinong nagtatag ng KKK. Siya rin ang isa sa mga bayani na nanguna sa pakikipaglaban sa mga Espanyol para makamit ang kalayaan ng bansa.
2.Graciano Lopez Jaena (letter B)
Siya ang naging unang patnugot ng La Solidaridad at isa sa mga nagtatag nito.
3. Emilio Jacinto (letter E)
Si Emilio Jacinto ay kinilala bilang Utak ng Katipunan. Siya rin ang sumulat at gumawa ng kartilya ng katipunan na naglaman ng mga aral at pagpapahalaga ng mga kasapi nito.
4. Jose Rizal (letter A)
Si Jose Rizal ang naglunsad ng samahang La Liga Filipina. Tinagurian siyang pambansang bayani ng bansa dahil sa kanyang mga naging kontribusyon sa pagkamit ng kalayaan natin.
5. Marcelo Del Pilar (letter C)
Siya ang naging ikalawang patnugot ng La Solidaridad matapos ang pamumuno ni Graciano Lopez Jaena
Sumangguni sa sumusunod na link para sa karagdagang kaalaman tungkol sa mga bayani ng Pilipinas at kanilang mga naging kontribusyon brainly.ph/question/756024
#BrainlyEveryday