Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Awitin ang kantang 'Bahay-Kubo. Isulat ang titik (lyrics) ng awit sa iyong kuwaderno. Ipakita sa iyong mga magulang o tagapangalaga upang makita kung tama at buo mo itong naisulat. Sagutin ang sumusunod na katanungan. 1. Kailan mo natutuhang awitin ang Bahay-Kubo? 2. Ano ang nilalaman ng awit? 3. Ano ang nakapaloob na mahahalagang mensahe o ideya sa awi tungkol sa pamumuhay ng mga Pilipino? Ipaliwanag. 26 PIVOT 4A CALABARZON - AP G3
Answers & Comments
Answer:
Bahay-kubo, kahit munti
Ang halaman doon ay sari-sari
Singkamas at talong
Sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani
Kundol, patola, upo't kalabasa
At tsaka mayro'n pang
Labanos, mustasa
Sibuyas, kamatis, bawang at luya
Sa paligid-ligid ay puno ng linga
Bahay-kubo, kahit munti
Ang halaman doon ay sari-sari
Singkamas at talong
Sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani
Kundol, patola, upo't kalabasa
At tsaka mayro'n pang
Labanos, mustasa
Sibuyas, kamatis, bawang at luya
Sa paligid-ligid ay puno ng linga
Sa paligid-ligid ay puno ng linga
Explanation:
1. Natutuhan kong awitin ang bahay kubo noong ako'y bata pa lamang, isa ito sa mga tinuro ng aking mga magulang saakin.
2.Ang awit ay tungkol sa mga iba't-ibang gulay.
3.Sa aking palagay ang mensahe ng kantang ito ay dapat tayo kumain ng masusustansiyang pagkain. Lalo na tayong mga Pilipino, ang ating bansa ay madaming gulay na maari nating kainin. Bukod sa mura ito ay napakarami rin bitamina ang ating makukuha dito.