Questions


September 2022 1 1 Report
Gawain II:
Panuto:Basahin ang bawat aytem ng mabuti at bilugan ang titik ng tamang sagot.
Isulat sa activity notebook ang inyong sagot.
1. Ano ang sekondaryang sektor ng industriya na tumutukoy sa paggawa ng mga
produkto sa pamamagitan ng manual labor o ng mga makina?
A. Konstruksiyon
C. Pagmimina
B. Pagmamanupaktura
Utilities
D.
2. Ano ang sekondaryang sektor kung saan ang mga metal, di-metal, at enerhiya mineral
ay kinukuha at dumadaan sa proseso upang gawing tapos na produkto?
A.Pagmimina
C. Konstruksiyon
B. Utilities
D. Pagmamanupaktura
3. Alin sa mga nasa ibaba ang tumutukoy sa industriya nng pagtatayo ng mga gusali,
paggawaan, pabrika at iba pang istruktura?
A. Konstruksiyon
C. Pagmimina
B. Utilities
D. Pagmamanupaktura
4. Alin sa mga sekondaryang sektor ng industriya ang kinikilala bilang pangunahing
tagapagkilos ng ekonomiya?
A. Pagminina
B. Electronics C. Homestyle products D. Pag-aalahas
5. Alin sa mga ahensiya na nasa ibaba ang tinutukoy na nais mapalakas at mapabuti ng
pamahalaan upang mapakinabangan ng maayos ang yamang-mineral ng bansa?
A. Mines and Geosciences Bureau
A. Bureau of Internal Revenue
B. Bureau of Customs
D. Department of Agriculture
6. Ang pamahalaan ay bumubuo ng Philippine Development Plan kada anim (6) na taon.
Ano ang tinututukan ng nasabing plano batay sa mga nakasaad na layunin nito?
A Pulitika
B. Edukasyon
C. Ekonomiya
D. Kalusugan
7. Alin sa mga sumusununod ang kahalagahan sa sektor ng industriya sa mga
mamamayan at sa iba pang sektor ng pamahalaan?
A. nakapagbibigay ng malayang transaksiyon sa loob at labas ng bansa
B. pinagkukunan ng hilaw na materyales
C. nagkakaloob ng hanapbuhay at nagsusuplay ng yaring produkto
D. nakakatulong sa pagbili ng mga produktong yari sa sariling bansa.
8. Kung ikaw ay isang opisyales ng pamahalaan nangangalaga sa sektor ng industriya,
ano ang iyong gagawin upang maisaayos ang kalakarang pang-industriya ng bansa?
A. Magbibigay ng malaking pondo para sa sector ng industriya
B. Hayaan ang mga industriya na magpapalakad sa kani-kanilang negosyo
C. Magtutuon sa mga sekondaryang sector ng industriya na nakapagbibigay
malaking kita ng bansa
D. Pag-aaralan at makipagtulungan sa mga eksperto maging mula sa loob o labas
ng bansa kung paano maisasaayos ang sektor ng industriya.
9. Ang pagpapatayo ng mga gusali, pagpapagawa ng mga kalsada at tulay at iba pang
istruktura ay halimbawa ng anong sekondaryang sektor ng industriya?
A.Pagmamanupaktura
B.Tubig,gas at kuryente
C. Pagmimina
D. Konstruksiyon
10. Alin sa mga serbisyo ng pamahalaan na may layunin na matugunan ang
pangangailangan ng mga mamamayan sa tubig, kuryente at gas?
A. Konstruksiyon
B. Utilities
C. Pagmamanukpaktura
D. Pagmimina
11. Ang sektor ng industriya ay isang mahalagang bahagi upang matamo ang kaunlaran
ng bansa. Ano ang pangunahing layunin ng sektor na ito?
A. Nagbibigay kita ng bansa
B. Mayroong produkto na maipagbili
C. Maiproseso ang hilaw na produkto para makabuo ng panibagong produkto
D. Maisaayos ang ekonomiya ng bansa12. Alin sa mga Republic Act na nasa ibaba ang may layunin na mahikayat ang mga
pribadong sektor na magkaroon ng inobasyon at pagtutulungan upang mapabuti at
mapalakas ang pagsasagawa ng pagsasaliksik at pag-unlad para sa kapakinabangan
ng lahat?
A. RA 8424
B, RÀ 11293
C, RA 11462
D.RA 9262
13. Ano ang maaring gawin ng pamahalaan para matugunan ang kaunlaran ng bansa?
A. Magpatupad ng polisiyang nagtatanggol sa sektor ng industriya
B. Ang mga nanunungkulan ay dapat may tinatawag na policy consistency
C. Maging mapanuri at matalino sa pagpapasya
D. Palitan ang tradisyonal na pamamaraan
14. Isa sa mga mithiin ng pamahalaan ng Pilipinas ang maitaguyod ang paglinang sa
mga manggagawa ng bansa upang masiguro ang kalidad sa paggawa. Alin sa mga
paraan na nasa ibaba ang nakatakdang isakatuparan ng pamahalaan upang
makamit ito?
A. Training and Development Process
B. Capacity Building
C. Training and Seminars
D. Training and Opportunity Building
15. Nais ng pamahalaan na mapangalaagan ang mga negosyante sa kanilang
sariling likhang produkto. Alin sa mga batas na nasa ibaba ang nagbibigay
proteksiyon sa mga negosyante na ang produkto ay mga sariling likha?
A. Anti-Red Tape Act
B. Anti-Fencing Law
C. Intellectual Property Code
D. Copyright​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.