Gawain F Basahin ang balita at sagutin ang mga tanong sa iyong sagutang papel. Ang putok ng baril na nagpasimula ng Philippine-American war Sa dilim ng gabi noong Pebrero 4, 1899 sa bahagi ng Sta. Mesa, Maynila, isang putok ng baril ang bumasag sa katahimikan at naging dahilan ng pagsisimula ng digmaan ng Pilipinas at Amerika. Ang nabanggit na unang putok ng baril na naging simula ng digmaan ay nagmula sa hawak na riple ni American Private William Grayson ng First Nebraska Volunteer Brigade. Pinaputukan ni Grayson ang direksyon kung saan nakaposisyon ang mga sundalong Pilipino na pinaghinalaan niyang may masamang binabalak dahil umano sa narinig niyang mga senyas na pito at kislap ng ilaw. Sa unang putok na iyon ni Grayson ay naitala ang unang sundalong Pinoy na nasawi sa digmaan ng Pilipinas at Amerika na si Corporal Anastacio Felix ng 4th Company ng Morong Battalion. Dalawa pang kasamang sundalo ni Felix ang nasawi ng gabing iyon Ang digmaan ng Pilipinas at Amerika ay natapos noong 1902 at tinatayang aabot sa kalahating milyong Pilipino ang nasawi, na karamihan ay mga sibilyan. -- FRJimenez, GMA News
1.Ano ang iyong masasabi sa balita?
2.Ano Ang iyong naramdaman sa patuloy na paglaban ng mga pilipino sa mga dayuhan?
3.bilang Isang mag-aaral, bibigyan ka ng pagkakataon na ipagtanggol ang iyong bayan, gagawin mo rin ba ang makipag laban o hindi? ipaliwanag.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.