Questions


August 2022 1 0 Report
Gawain Blg 1. Piliin sa loob ng kahon ang sagot sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot.



A. Astrolabe I. Line of Demarcation
B. Kolonya J. Sepoy
C. Compass K. Merkantalismo
D. Imperyalismo L. Moluccas
E. Kalakalan M. Protectorado
F. Kapitalismo N. Renaissance
G. Kolonyalismo O. Suttee o Sati
H. Krusada P. White Man`s Burden



___1. Ito ay dominasyon ng isang makapangyarihan nasyon – estado sa aspektong pampolitika, pangkabuhayan, at kultural na pamumuhay ng mahina at maliit na nasyon – estado upang maging pandaigdigang makapangyarihan.
___2. Isang sistema kung saan mamumuhunan ng kaniyang salapi ang isang tao upang magkaroon ng
tubo o interes
___3. Direktang pagkontrol o pamamahala ng imperyalistang bansa sa kaniyang sinakop na bansa.
___4. Ito ay ang boluntaryong pagsunog sa katawan ng asawang babae sa ibabaw ng kaniyang asawa.
___5. Anumang transaksiyon sa pagitan ng dalawang tao sa pagitan ng mga bansa na kabilang sa isang pamilihan.
___6. Prinsipyong pang- ekonomiya kung saan ang batayan ng kayamanan ng bansa ay ang dami ng ginto at pilak na mayroon nito.
___7. Isang rehiyon na may sariling pamahalaan subalit na sa ilalim ng control ng isang panlabas na kapangyarihan.
___8. Serye ng mga kampanya ng mga kristiyanong Kabalyero na ang layunin ay bawiin ang Jerusalem mula sa mga Muslim.
___9. Instrumento sa paglalayag na ginagamit upang malaman ang latitude o layo ng barko.
___10. Tuwirang pananakop ng isang bayan upang mapagsamantalahan ang yaman nito o makuha rito ang iba pang pangangailangan ng mananakop.
___11. Ito ang tawag sa mga sundalong Indian.
___12. Salitang Pranses na ang ibig sabihin ay “muling pagsilang”.
___13 Ginagamit sa paglalayag upang malaman ang direksiyon ng pupuntahan.
___14. Linya ng nagtatalaga ng hangganan kung saang bahagi ng mundo magagalugad ang Espanya at Portugal.
___15. Lugar sa silangan na pinakamimithi ng mga kanluranin dahil sa taglay nitong rekado.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.