Gawain 9. Punan ng tamang sagot ang sumusunod na pangungusap. Ibigay ang hinihingi ng sumusunod na pahayag. Gumamit ng sariling sagutang papel. _________ 1. Kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad. _________ 2. Tumutukoy sa tao, lugar, at impraestruktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard. _________ 3. Ito ay isang hazard na bunga ng mga gawain ng tao. _________ 4. Tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya. _________ 5. Mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao. _________ 6. Tumutukoy sa mga hazard na dulot ng kalikasan. _________ 7. Mga pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng pagtama ng isang kalamidad. _________ 8. Isang dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala ng pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno, at pagkontrol. _________ 9. Sa approach na ito, lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay iniaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng pamahalaan. _________ 10.Isa sa mga katangian ng approach na ito ay ang malawak na partisipasyon ng mga mamamayan sa komprehensibong pagpaplano at mga gawain sa pagbuo ng desisyon. ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.