Gawain 6: Kilalanin Mo! Tukuyin ang mga sumusunod na konseptong inilalarawan sa bawat bilang. Piliin ang iyong sagot mula sa kahon at isulat ito sa sagutang papel. 1. Makukulay na larawang mabilisan subalit bihasang ipininta sa mga dingding ng bahay sa Kabihasnang Minoan. 2. Isang English na arkeologo na nagsagawa ng paghuhukay sa Knossos. 3. Siya ang pinakatanyag na hari ng Mycenaean. 4. Ito ang panahon kung kailan natigil ang kalakalan at pagsasaka at mga gawaing sining sa Kabihasnang Mycenaean. 5. Isang marmol na templo sa Acropolis sa Athens na inalay sa diyosang si Athena. 6. Siya ang gumuhit ng mga linya ng latitude at longitude sa mapa ng daigdig. 7. Ito ang tawag sa pinagsamang Kabihasnang Asyano at Greek. 8. Digmaan kung saan tinalo ng maliit na puwersa ng Athens ang malaking puwersa ng Persia. 9. Uri ng pamahalaan kung saan binubuo ito ng isang lupon ng mga dugong bughaw upang palitan ang hari. 10. Ito ang uri ng pamahalaan ng nakararami na ipinatupad sa Athens.
Answers & Comments
Answer:
10.Upang mapanatili ang kalayaan ng mga mamamayan ipinatupad ni Cleisthenes ang isang sistema kung saan bawat taon ay binibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na ituro ang taong nagsisilbing panganib sa Athens. Kapag ang isang tao ay nakakuha ng mahigit 6,000 boto, siya ay palalayasin sa Athens ng 10 taon. Dahil sa ang pangalan ay isinusulat sa pira-pirasong palayok na tinatawag na Ostrakon (Ostrascism), ang sistema ng pagpapatapon o pagtatakwil sa isang tao ay tinawag na ostracism.