Isa yan sa madalas nating mapakinggan sa panahon ng gobyerno. Nakakarindiri man pero yan ang katotohanan. Madami ang nagsasabi at nangangako na aalisin nila ang mga salot sa lipunan at susugpuin ang korapsyon kapag sila na ang nahalal sa pwesto. Karamihan sa atin au nabubuyo nila dahil sa tamis ng kanilang pananalita.
Ang salitang korapsyon o pagnanakaw sa pondo ng bayan ay gawaing karumal-dumal. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit naghihirap ang mga sambayanang Pilipino. Napakasakit man isipin na dahil sa kagagawan ng mga taong ating pinagkatiwalaan ay siyang magiging dahilan ng paghihirap at pagkagutom ng karamihan sa lahat. Hindi kaila sa atin na kapag naririnig ang salitang pulitika at gobyerno pumapasok at pumapasok parin ang salitang korapsyon. Ito ay wala sa malaking sistema kundi matatagpuan sa indibidwal na tao. Bawat isa sa atin ay may kakayahan para magkaroon ng korapsyon. Ang simpleng pangongopya, pagbibigay ng lagay upang mas mapabilis ang transaksyon, pagnanakaw ay ilan lamang na porma ng korapsyon. Karamihan sa mga ospital ay kulang ng nurs, doctor, gamot, mga makabagong teknolohiya o kagamitan, mababa ang kalidad ng edukasyon, marami ang mga taong walang trabaho at nangingibang-bansa upang hanapin ang kanilang kapalaran. Ilan lamang ang mga yan sa mga epekto ng korapsyon sa ating buhay at higit sa lahat sa ating bansa. Isa sa pinakamasahol na porma ng korapsyon ang Disbursement Acceleration Program o DAP na kamakaila’y idineklarang iligal ng Korte Suprema. Marami na ang nagdaang administrasyon na nangakong wawakasan ang suliraning korapsyon pero sa bandang huli kabilang din sila sa mga kurakot. Ang “Tuwid na Daan” ang plataporma ng kasalukuyang administrasyong Pnoy na siyang nagluklok sa kanya sa pwesto. Pero nakakalungkot lang isipin na tila ba may pinipili ang batas laban sa korapsyon. Kapag kaaway sa pulitika ay agad na nakukulong, ngunit kapag kaalyado naman ay tila tamad ang pamahalaan sa pag-iimbistiga at pangangalap ng ebidensya. Sa mga ganitong sitwasyon ipinapakita lamang na may pinapanigan ang pamahaloaan, hindi pantay-pantay ang karapatan at walang katarungan. Hindi matatanggal sa pag-iisip ng lahat, na kapag korapsyon ang pinag-uusapan siguradong gobyerno kaagad ang salarin.
Ang punto ko dito ay huwag sana tayong agad-agad naniniwala at nagpapadala sa tamis ng pananalita ng mga gobyerno lalo na ang mga pulitiko dahil siguradong kapahamakan ang naghihintay sa atin sa hinaharap. Sa pagpili ng mga kandidato na ihahalal huwag sanang padadala sa kanilang mga sandamakmak na pangako. Alalahanin natin na tayo ay nakatira sa bansang may demokratikong pamamahala. May kalayaan tayo na pipili ng kung ano ang sa tingin natin ang mas karapat-dapat.
Answers & Comments
Explanation: