Questions


October 2022 2 2 Report
GAWAIN 2
Panuto: Basahin ang mga tanong at isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Ang ating mga ninuno ay may mga pinaniniwalaang diyos -diyosan bago pa man
dumating ang mga Espanyol. Nang dumating ang mga Kastila, anong relihiyon
ang kanilang pinalaganap?
A. Aglipay B. Budismo
C. Kristiyanismo D. Paganismo
2. Dumating ang mga Kastila upang sakupin ang Pilipinas. Bakit naging madali kay
Miguel Lopez de Legazpi ang pananakop sa ating bansa?
A. dahil sama-sama ang mga bayan
B. dahil may pagkakaisa ang mga katutubo
C. dahil nagtutulungan ang mga katutubo
D. dahil sa pagkawatak-watak ng mga bayan
3. Madaling nasakop ng mga Espanyol ang mga kapuluan dahil sa pagkawatak-
watak ng maraming pulo at dahil sa mabisang paraan ng kanilang pananakop.
Ano ang mga paraang ito?
A. krus at espada
C. krus at bibliya
B. lapis at papel
D. relihiyon at korona
4. Ang espada ay ginamit upang supilin ang pagtatanggol ng mga katutubo. Ano ang
ginamit nila upang hubugin ang isip at diwa ng mga katutubo?
A. bibliya
B. lakas C. korona
D. krus
5. Kung ang krus ay ginamit upang hubugin ang isip at diwa ng mga katutubo. Ano
naman ang ginamit laban sa mga Pilipinong tumangging magpasakop sa mga
Kastila?
A. espada
B. korona C. bibliya
D. krus
6. Bakit nahirapan ang mga Espanyol na tuluyang sakupin ang mga katutubo?
A. Sapagkat iba't iba ang diyalekto o wika ng mga katutubo
B. Sapagkat marami sa kanila ang lumaban at nag-alsa
C. Sapagkat layu-layo ang kanilang mga tirahan
D. Lahat ng nabanggit ay tama
7 Sino sa mga sumusunod na katutubo ang nagpakita ng matapang na pagtutol sa
mga armadong mananakop?
A. Ang mga Ita o Negrito na nakatira sa mga kabundukan
B. Ang mga Babaylan na may sariling paniniwala at kultura
C. Ang mga Muslim na lubos na nagpahalaga sa sariling relihiyon at paniniwala
D. Ang mga Itneg na bumalik sa kabundukan upang hindi marating ng mga
Espanyol ang kanilang mga tirahan
8. Anong katangian ang ipinakita ng mga katutubo na nag-alsa laban sa mga
mananakop na Espanyol?
A. Katapangan at pagkamakabayan C. Katapangan at kayabangan
B. Katapangan at kadakilaan
D. Katapangan at kamangmangan
9. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpakita ng pagtanggap ng mga
katutubo sa mga mananakop?
A. Ang pag-anib sa sandatahang lakas ng mga Espanyol
B. Ang pagpapabinyag ng ilang mga katutubo upang maging Kristiyano
C. Ang pagtakas ng mga katutubo at pagtungo sa malalayong bahagi ng
kabundukan
D. Ang paglimot sa mga kultura at paniniwala na nakagisnan nila at pagtanggap sa
relihiyong Kristyanismo
10. Maituturing kayang matagumpay ang naging pagsakop ng mga armadong​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.