ang kabihasnan ay isang yugto ng kaunlaran ng isang lipunan. Naiisip nating sibilisado ang mga tao kapag tinipon nila ang kanilang mga sarili upang maging isang matatag at mabisang pangkat, sa halip na gumagalaw ng magkakahiwalay o bahagi lámang ng isang tribo. Lampas dito, inaasahan nating makikilala ang alin mang kabihasnan sa pamamagitan ng kanilang wika, sining, arkitektura, edukasyon, at nakamit na gawaing intelektuwal, pamahalaan, at kakayahan maipagtanggol ng sarili. Samakatuwid, isa itong konseptong tumutukoy sa pagkadalubhasa ng mga tao sa isang kulturang kinagisnan o nakasanayan, kulturang nalinang o kulturang tinanggap na resulta sa paninirahan sa isang partikular na lugar o kapaligiran. Naging isang masalimuot na lipunan o pangkat ng kultura o kalinangan ang kabihasnan na kinatatangian ng pagsandig sa agrikultura, pangangalakal kahit sa malalayong mga lugar, uri ng pamahalaan pang-estado at naghahari o namumuno, espesyalisasyon sa hanap-buhay, urbanismo, at antas-antas na mga klase ng mga tao. Bukod pa sa ganitong mga pangunahing mga elemento, kadalasang natatakan ang sibilisasyon ng anumang kumbinasyon ng isang bilang ng pangalawang mga elemento, kabilang ang maunlad na sistema ng transportasyon, pagsusulat, pamantayan ng pagsusukat, pati na pananalapi, pormal na sistema ng batas, magiting na estilo ng sining, mabantayog na arkitektura, matematika, sopistikadong metalurhiya, at astronomiya.
SIBILISASYON
Ang sibilisasyon ay ang klase o estado ng pamumuhay sa isang lungsod o lugar.
Ito ay estado ng lipunan kung saan may sariling historical at cultural na pagkakaisa o unity.
Ang ibig sabihin ng sibilisasyon ay ang mga ibinahagi o itinuro sa bansang sinakop nito.
Buong sistema ng pamumuhay pagiisip, at pagkilos ng mga tao sa isang lugar
Ang sibilisasyon ay nagmula sa salitang-ugat na civitas, na salitang Latin. Ibig-sabihin ng civitas ay lungsod. Kung gayon, ang sibilisasyon ay masalimuot na pamumuhay sa lungsod.
Answers & Comments
Answer:
KABIHASNAN